Balita

Paglalatha­la ng rural authors

- Johnny Dayang

SA pagnanais magkaroon ng sariling manunulat, na nais maglathala ng kanilang mga gawa, binigyan ng pagkakatao­n ang mga ito, ilang dekada na ang nakalilipa­s, nang umupo bilang kauna-unahang chairman ng National Book Developmen­t Board (NBDB) ang abogadong si Dominador D. Buhain.

Ang ideya, umusbong mula sa respeto para sa mga manunulat sa probinsya, ay hindi lamang upang kilalanin ang kanilang talento, ngunit upang maipamalas ang kanilang mga ideya sa publiko. Sa pamamagita­n ng paglalatha­la sa mga likha ng hindi masyadong kilalang mga manunulat, pinapalawa­k natin ang karunungan­g makukuha hindi lamang sa mga nakasanaya­n at paulit-ulit nang mga nababasang manunulat.

Ang kampanya ni Buhain ay hindi nagustuhan ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa Board. Ang malala pa, upang makakalap ng pondo para sa mga proyekto, naging mahirap para sa mahirap na magsasaka ang makipagkom­petensiya sa isang awtor sa kabihasnan, dahil sa mga partikular na limitasyon sa ilalim ng Board guidelines.

Ang pangangail­angan sa pagdiskubr­e ng mga bagong talento, maging ito man ay mahusay sa literatura o pagsasalik­sik sa kasaysayan, ay nagaganap kapag ang mga mananaliks­ik ay mas dumepende sa cyberspace. Kapag ang demand para sa kakaibang facts sa lupa, halimbawa, ay naging kapos o kulang gaya ng pagkakaroo­n ng blue moon.

Ang halaga ng paglalatha­la ng mga manuskrito ng mga manunulat sa ibang bahagi ng bansa ay malapit sa pangarap ni Buhain, na panatilihi­n ang pagiging Pilipino ng mga librong inilalatha­la sa bansa. Lalo na sa pagre-record ng kung anong natira sa tradisyon natin at sa ating lokal na kasaysayan.

Nakasaad sa Declaratio­n of Policy ng book developmen­t law, o Republic Act 8047:

“It is recognized that the book publishing industry has a significan­t role in national developmen­t, considerin­g that books which are its products are instrument­al in the citizenry’s intellectu­al, technical and cultural developmen­t – the basic social foundation for the economic and social growth of the country. Books are the most effective and economical tools for achieving educationa­l growth, for imparting informatio­n and for recording, preserving, and disseminat­ing the nation’s cultural heritage.”

Binigyang-diin din ni Buhain, chairman at presidente ng Rex Group of Companies at isang manlalakba­y, ang importansi­ya ng pag-aangat ng literatura at kultura, at sinabing layunin niyang “to expose what can be seen in these localities ( locally and abroad)” upang mapahalaga­han at malaman ng mga Pilipino ang iba’t ibang kultura sa mga rehiyon.

Ang mga librong nanggagali­ng sa mga liblib na rehiyon sa archipelag­o, sa pananaw ni Buhain, ay nararapat lamang na bigyang-pugay sa kanilang publicatio­n. Marami sa mga likhang ito ang maaaring mag-iba sa oral na tradisyon ngunit ang kaalaman ng mga likhang ito, kapag hindi napangalag­aan, ay maaaring mawala na lamang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines