Balita

Inimbento ang katotohana­n

- Ric Valmonte

KAMAKAILAN, inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Trillanes na mayroon itong tagong yaman sa ibayong dagat. Ito ay kaugnay ng alegasyon naman ni Trillanes na ang anak nitong si Davao City Mayor Paolo Duterte ay miyembro ng Chinese drug triad at may milyun-milyong piso sa kanyang bank account.

Ayon sa Pangulo, kinita ng Senador ang tagong yaman nito sa palihim na pakikipag-ugnayan sa China nang umigting ang tensiyon sa West Philippine Sea. Batay sa mga dokumenton­g nasa blog ng broadcaste­r na si Erwin Tulfo at ni Assistant Press Secretary Mocha Uson at ng Davao Breaking News website, may 12 offshore bank accounts si Trillanes at ang dalawa rito ay nasa Singapore. Sa DBS, Alexandra branch, Singapore, may laman umano itong $193,850 at sa Hongkong Shanghai Bank, Singapore ay may $278,300.

Kasama ang ilang media member, nagtungo si Sen. Trillanes sa Singapore upang alamin kung totoo ngang may deposito siya sa nasabing dalawang bangko. Lumabas na walang bank account sa kanyang pangalan, ayon sa Senador.

Pero, mali ang bank account number na ginamit nito nang magcheck sa DBS, ayon sa Pangulo. Ang ginamit niya ay account no. 1780-002896-01-2, samantalan­g ang wastong account no. ay 1178-00028160-2. Sinadya niya raw ibigay ang maling account number upang lansihin lamang ang Senador. “Fake ang ginamit niya. Inisip kong inalis ang ilang numero upang linlangin siya. Inimbento ko lang ito,” sabi ng Pangulo.

“Nahuli ng Pangulo sa patibong ang Senador,” wika ni Presidenti­al Chief legal Counsel Salvador Pañelo. Nag-aaksaya lang daw ng panahon ang Senador. Ganito rin binatikos ang Senador nang tanungin niya si VM Duterte tungkol sa kanyang tattoo sa katawan at nang aminin nito, ay hinimok niyang ipakita ito. Inaksaya ni Trillanes ang oras ng Blue Ribbon Committee sa ginawa niyang ito, ayon kay Chairman Richard Gordon. Eh, napakalaki­ng bagay ng tattoong ito. Kay Trillanes, ito ang nagpapatun­ay na si VM Duterte ay miyembro ng Triad na nagpapasok ng ilegal na droga sa bansa mula sa China.

Kaya umano malayang nakapapaso­k ang droga sa Bureau of Customs dahil sa impluwensi­ya nito. Kung ipinakita lang niya ang tattoo, hindi lang niya napahiya ang Senador kundi titikom na ang bibig nito sa pagaakusa sa kanya tungkol sa kanyang kaugnayan sa Triad at droga. Dahil pinili niyang itago ito, bukas ang isyung may kinalaman siya sa droga habang may drogang umiikot at nasasabat sa ating bansa.

Nang mapilitan si Gordon na anyayahan si VM Duterte sa pagdinig ng kanyang komite, nahuli ito sa patibong ni Trillanes. Walang ginawang pagkakamal­i ang Senador. Ang pagkakamal­i niya, siya ay nasa minorya at ang lahat ng dahilan na pawang teknikalid­ad at palusot ay ginamit laban sa kanya upang ikubli ang katotohana­n. Taliwas ito sa ginawa ng Pangulo tungkol sa inihayag niyang tagong yaman ng Senador na inimbento niya ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines