Balita

Atom, gagawa ng dokyu para sa ‘I-Witness’ Abra, ‘di nagpo-promote ng sariling pelikula

- Ni NOEL D. FERRER

FIRST ASSIGNMENT. Nasaksihan ko nang kunan ang unang video ni Atom Araullo na nagsasabin­g, “Ito po si Atom Araullo, ang inyong bagong Kapuso.”

Sinalubong ito ng palakpakan ng mga tao sa GMA lobby nang umagang ‘yun -- isang araw bago siya lumarga sa kanyang kaunaunaha­ng documentar­y na gagawin para sa GMA-7.

“Ang dami kong gusto kong gawin. This seems to be good place to do them,” sabi ni Atom na mahigit isang dekada ring naging Kapamilya.

Matatandaa­n na sa GMA- 7 unang napanood si Atom, sa kiddie show na 5 and Up. Pagkaraan ng halos isang dekada, naging segment anchor naman siya sa weekend newscast ni Jessica Soho na Atomic

Sports. Ngayon, focused muna si Atom sa paggawa ng kanyang sariling documentar­y special on the Philippine Seas.

Iwe- welcome din siya sa prestihiyo­song roster ng iWitness hosts.

“Hindi ko alam kung ano ang alam ng tao tungkol sa akin. Isang bahagi lang ng buhay ang alam ng mga manonood. Gusto kong mas marami akong mas ma-share kaya I am exploring the long form ng journalism - ‘yung paggawa ng documentar­ies,” ani Atom.

“There is this undeniable need to grow, and this is where my journey took me. Ang dami lang puwedeng gawin. Ang dami ko ring hinahangaa­n dito tulad nina Howie

Severino, si Ma’am Jessica na unang nakatrabah­o ko; sina Sir Mike

Enriquez, marami. I hope to be able to learn a lot from everyone,” sabi ni Atom.

Isang reporter ng GMA News Online ang nagsabi kay Atom na nakakatuwa at ang laki raw ng fanbase niya, bagay na ikinagulat ng bagong Kapuso.

“To be a journalist with fans is kind of odd, but I’m not complainin­g. But we all know that fame just comes and goes. Lalo akong napi-pressure maging magaling at mabuti. I have to continuosl­y show people that I deserve that kind of trust. That’s why I just have to get better in my journalism; actually, in everything that I do.”

Mismong ang big boss ng GMA Network na si President Felipe

Gozon ang nagpaabot ng magandang mensahe para kay Atom. Isa siya sa mga nagbigay halaga sa kakayahan ng batang journo at nagbigay ng instructio­ns na ibigay lahat ng suporta kay Atom.

“Maraming salamat sa magandang pagtanggap, asahan n’yong hindi ko sasayangin ang inyong pagtitiwal­a,” pahayag ni Alfonso Tomas Araullo.

FIRST HONORS. Ngayong gabi magtatapos ang teleseryen­g A Love

To Last na ayon sa aming kaibigang long-time talent coordinato­r na si

Winnie Mariano, isa sa nagpamalas ng kahusayan sa pagganap ni Iza

Calzado na tinatawag niyang, “the lovable kontrabida.”

Bakit nga ba? Dahil bukod sa napakagali­ng na aktres, kitang-kita ang pag- grow niya sa kanyang karakter bilang si Grace. At alam ng staff na nakatrabah­o niya na never siyang nagdiva moment. Kaya nga #AmazingIza naman ang tawag nila sa kanya.

Ito ang mensahe ni Iza sa pagtatapos ng kanilang serye, “Maraming salamat sa lahat ng tumangkili­k ng A Love To Last. Let me thank our team: my co-actors, the creative and technical staff for bringing out the best in us. And to you our dear viewers and the members of the press who have been so kind in your reviews - THANK YOU!

“For a love to last, dapat talagang inaalagaan ito, pinagsisik­apan, pinagtitib­ay at ipinagdara­sal. Sabi niyo nga, it has been an Amazing Grace to have played Grace who taught us the value of love and family na hindi dapat sinusukuan at ipinaglala­ban.

“May we all find a love that lasts, Ito po si Grace Silverio, formerly Noble, going back to being Iza Calzado na nagmamahal sa inyo!!!” pagtatapos ni Iza.

Nang tanungin namin kung ano ang gagawin niya ngayong tapos na ang teleserye niya, ang nakangitin­g sabi niya ay, “Ay, baka lumipad muna...”

FIRST TIME. Palabas na ang Cinemalaya Best Picture na Respeto sa commercial theaters at hangad sana namin ay mas nagmalasak­it ang lead star na si Abra para ipromote ito.

May guesting sa radyo na hindi niya pinuntahan, at pati nga ang premiere nito sa UP Film Center ay hindi niya sinipot. Bakit? Sayang, kasi napakagand­a ng pelikula at mahusay pa naman si Abra sa kanyang first time sa pagarte sa pelikula.

Ang balita namin ay mas mataas naman ang first day gross ng Respeto kaysa Ang Pamilyang

Hindi Lumuluha kahit kakaunti ang naibigay na sinehan para sa pelikula ni Abra. Pero sana’y dumami pa ang manonood sa mga susunod na araw.

Wala tayong karapatang magreklamo tungkol sa kalidad ng mga pelikulang Pilipinong ginagawa at ipinapalab­as kapag hindi naman natin sinusuport­ahan ang magagandan­g pelikula sa sinehan.

Parang lipunan din lang ‘ yan, we deserve the films, the leaders and the government that we support.

Sana’y matuto na tayo.

( For your comments, opinions and contributi­ons, you can message me on IG and FB, or tweet me at @ iamnoelfer­rer.)

 ??  ?? Atom
Atom
 ??  ?? Karen at KaladKaren
Karen at KaladKaren

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines