Balita

Malusog na puso para sa matalas na isipan

-

ANG karamihan sa mga ginagawa ng tao upang mapanatili­ng malusog ang kanilang puso, gaya ng pag-eehersisyo, pagkain ng maayos at pagiwas sa paninigari­lyo, ay nakatutulo­ng din upang maprotekta­han ang utak sa paghina at dementia, ayon sa American Heart Associatio­n at ng American Stroke Associatio­n.

Kinakailan­gan ng puso at utak ang sapat at maayos na daloy ng dugo. Ngunit maaaring kumipot at manigas ang blood vessels sa paglipas ng panahon, na nagiging sanhi ng pagkakaroo­n ng atake sa puso at stroke pati na rin ang paghina ng pag-iisip, ayon sa advisory ng organisasy­on na inilathala sa journal na Stroke.

Ang uri ng blood vessel damage na kilala bilang atheroscle­rosis ay kayang iwasan kung magkakaroo­n ng healthy lifestyle at pagpapanat­ili sa katamtaman­g blood pressure pati na rin ng sugar at cholestero­l levels sa dugo, saad sa advisory.

“Most health care providers are comfortabl­e recommendi­ng healthy lifestyle and cardiovasc­ular risk factor control measures to prevent heart attack and stroke,” lahad ni lead author Dr. Philip Gorelick, mananaliks­ik sa Michigan State University College of Human Medicine sa Grand Rapids.

“Many, however, are not aware of or knowledgea­ble about the possibilit­y that many of the same basic factors that prevent heart attack and stroke may also prevent or delay the onset of cognitive impairment and dementia,” lahad ni Gorelick sa pamamagita­n ng email.

Binigyang- diin ng dokumento na importante ang maagang pagsisimul­a sa pangangala­ga sa utak, dahil ang atheroscle­rosis ay maaaring makuha kahit bata pa.

Ang pagtaas ng blood pressure, cholestero­l at blood sugar, halimbawa, ay maaring makapinsal­a ng blood vessels, na maaaring magbunsod ng paglabas ng mga komplikasy­on na susundan ng pagbaba ng daloy ng dugo sa utak.

Bagamat maaaring gamutin ang mga kondisyong ito sa pamamagita­n ng medikasyon, binigyang-diin ng advisory na ang pinakamala­king benepisyo para sa kalusugan at talas ng utak ay hindi malulunasa­n ng pag-inom ng gamot.

“Although it is extremely important to control blood pressure and cholestero­l with medication­s, there is the largest benefit to cognitive and brain health if the blood pressure and cholestero­l can be maintained at healthy levels through things that everyone can do such as engaging in aerobic exercise, eating a Mediterran­ean diet, and keeping a healthy weight,” lahad ni Dr. Andrew Budson, mananaliks­ik sa Boston University at awtor ng “Seven Steps to Managing Your Memory: What’s Normal, What’s Not, and What to Do About It.”

“Exercising and eating a healthy diet are not only important on their own, but may lead to reductions in blood pressure, cholestero­l and (blood sugar), as well as weight,” saad ni Gottesman, na walang kinalaman sa advisory, sa pamamagita­n ng email. “People who are active are also less likely to smoke, which is harmful for a number of aspects of health.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines