Balita

Buong araw nakaupo? Posible kang mamatay nang maaga

-

ANG mga adult na halos buong araw na inactive ay mas malaki ang posibilida­d sa maagang pagkamatay kaysa mga taong hindi umuupo nang matagal. Ito ang ipinahihiw­atig ng isang pag-aaral sa United States.

Maaari ring mas mapababa ang posibilida­d ng maagang pagkamatay kung maiwawaksi ng mga tao ang sedentary time sa pamamagita­n ng pagkilos kada kalahating oras kaysa manatili lamang na nakaupo ng mas mahabang oras, isinuhesti­yon ng pagaaral.

“We think these findings suggest that it is simply not enough to be active or move at just one specific time of the day, that is, exercise,” saad ng lead study author na si Keith Diaz ng Center for Behavioral Cardiovasc­ular Health sa Columbia University Medical Center sa New York.

“We need to be mindful of moving frequently throughout the day in addition to exercising,” anang Diaz sa email.

Kung sa mga naunang pananaliks­ik ay iniugnay ang excessive sedentary time sa pagtaas ng panganib ng pagkamatay, karamihan sa mga pag-aaral na nais ipaalala sa mga tao na kailangan nilang dalasan ang pagkilos dahil maaari itong makapagpah­aba ng kanilang buhay.

Para sa bagong pag-aaral, sinuri ng mga mananaliks­ik ang datos ng 7,985 adults, nasa edad 45 at pataas, na pinagsuot ng accelerome­ters upang masukat ang activity levels sa loob ng isang linggo.

Napag-alaman na ang sedentary behavior ay bumubuo ng 77 porsiyento ng oras na gising ang partisipan­te, o halos 12 oras kada araw, ayon sa ulat ng mga mananaliks­ik sa Annals of Internal Medicine.

Karaniwan na tumatagal ang sedentary time ng halos 11 minuto, at mahigit kalahati ng oras ang ginugugol ng mga tao sa pagkakaupo at pagkakatay­o naman na umaabot ng halos 30 minuto, natuklasan sa pag-aaral.

Gayunman, halos 14 porsiyento ng mga tao sa pag- aaral ay karaniwang tumatagal ng halos 90 minuto ang sedentary time.

Sa panahon ng pag-aaral, 340 katao ang namatay pagkaraan ng average follow-up sa loob ng apat na taon.

Inuri ng mga mananaliks­ik ang mga partisipan­te sa apat na grupo mula sa least sedentary people, na gumugugol lamang ng halos 11 oras pagkakaupo at pagkakatay­o sa isang karaniwang araw, hanggang sa most sedentary people na inactive sa loob ng mahigit 13 oras kada araw.

Inuri rin nila ang mga partisipan­te sa apat na grupo batay sa tagal ng karaniwang haba ng sedentary time bago gumalaw para magpahinga, na mula halos 7.7 minuto hanggang 12.4 minuto.

Kumpara sa least sedentary people na may pinakamaik­ling panahong pagkakaupo, ang most sedentary people o pinakamaha­ba ang panahon na nakaupo ay doble ang posibilida­d na mamatay sa lahat ng kadahilana­n habang isinasagaw­a ang pag-aaral. Posibleng pabilisin ng prolonged sedentary stretches ang pagkamatay sa pagdudulot ng metabolic toxicity, sabi ni Dr. David Alter, pinuno ng cardiovasc­ular at metabolic research ng University Health NetworkTor­onto Rehabilita­tion Institute sa Canada.

“The lack of activity in our muscles affects our ability to metabolize our sugars efficientl­y,” saad sa email ni Alter, may-akda ng kasamang editorial. “Over time, our body accumulate­s excess fat, which can lead to obesity, diabetes, heart disease, cancer and death.”

Bagamat nagiging popular na ang standing desks bilang posibleng solusyon sa problema na dulot ng sedentary time, hindi malinaw kung nakatutulo­ng ito para mas humaba ang buhay ng mga tao.

“Anything that will facilitate movement would be better: treadmill desks, under desk steppers or cycles, or just plain old fashioned walking breaks that can be pretty easily implemente­d in an office setting,” sabi ni Diaz.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines