Inang nalantad sa pestesidyo, maaaring mapaaga ang panganganak
MALAKI ang posibilidad na ipanganak ang mga sanggol nang premature at kulang sa timbang ng mga buntis na laging nalalantad sa agricultural pesticides, napag-alaman sa bagong pag-aaral.
Ang mga anak ng mga inang naninirahan malapit sa mga farm na gumagamit ng mga kemikal ng pesticides ay hindi ligtas sa panganib, ayon sa pananaliksik. Ang mga ina na naninirahan malapit sa agricultural operations na gumagamit ng mataas na porsiyento ng pesticide – ang top 1 percent – ay mayroong 11 porsyentong mas mataas na posibilidad na manganak ng mas maaga at 20 porsiyentong mataas ang posibilidad na kulang sa timbang ang sanggol.
Ang halos lahat ng kakabaihan na naninirahan malapit sa mga pataniman ng mga prutas, mani at mga gulay ay hindi kabilang sa makakaranas ng kulang sa timbang na sanggol o kaya’y mas maagang panganganak, nadiskubre sa pag- aaral. Ngunit sa eksaminasyon sa mga lugar na nalalantad sa pinakamaraming konsentrasyon ng pesticide ay tiyak ang pagkakaraoon ng mahinang sanggol.
“There is a smaller subset that seems to be bearing the burden,” lahad ng lead author na si Ashley Larsen, isang professor sa Bren School of Environmental Science and Management sa University of California, Santa Barbara.
“Hopefully we can pinpoint how to reduce these very high levels,” aniya sa panayam sa pamamagitan ng telepono.
Natuklasan sa pag-aaral na mayroong epekto ang pesticides sa panganganak, saad ng awtor sa pagaaral.
Ang kaugnayan ng pesticides at ng premature birth at low birth weight ay matagal na inobeserbahan sa mga nakaraang pag-aaral.