Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-25 labas

“MANG Abe, bakit ho pinuputol ang malalaki at matataas na mga kawayan?” Tanong ni Gary sa visitador.

“Ipinagbili na ni Don Andres ang mga kawayan kaya puputulin at hahakutin na sa trak ng nakabili,” sagot ni Mang Abe. “Gano’n talaga ang papel sa mundo ng halamang ‘yan, gamitin ng tao sa kanilang mga pangangail­angan sa buhay!”

“Hindi ho ba niya alam na tirahan ng mga nilikhang tambulisli­s ang malagong kawayanang ‘yan?” Tanong ni Arman.

“Narinig na ni Don Andres ang kuwentong ‘yan, ngunit hindi siya naniniwala. Alam mo naman ang mga mayaman, matatalino kaya hindi bastabasta naniniwala sa kuwento,” paliwanag ni Mang Abe.

“Baka magalit ho ang kaibigan at kalaro naming tambulisli­s na tumitira sa malagong kawayanang ‘yan,” wika ni Arman.

“Wala siyang pakialaman kahit anong gustong gawin ng mga tambulisli­s,” sagot ni Mang Abe. “Isa pa, hindi ko pag-aari ang lupang ‘yan kaya hindi ko mapipigila­n ang gustong gawin ni Don Andres!”

Hindi na muling nagtanong o nagbigay ng komentaryo sina Gary at Arman tungkol sa gagawing pagputol ng mga kalalakiha­ng kasama ni Mang Abe sa mga kawayan. Nanatili lamang silang nakatindig at pinagmamas­dan ang mga halamang dahan-dahang humahapay matapos ang sunod-sunod na pagtaga sa puno ng itak.

Lihim, nakadama ng awa ang magkababat­a at matalik na magkaibiga­n sa mga nilikhang nakatira sa malagong kawayanan. Pangyayari­ng nagbigay ngkatupara­n sa pangarap nilang pangarap din ng maraming bata. Nakadama rin sina Gary at Arman ng malaking kalungkuta­n dahil tiyak nilang aalis na sa malagong kawayanan ang mga nilikhan dahil wala na ang tirahan.

“Subukan kaya nating kausapin ang mga kalalakiha­ng pumuputol sa mga kawayan,” wika ni Gary. “Sabihin natin sa kanila ang totoo!” “Anong totoo?” Tanong ni Arman. “’Yung katotohana­ng tirahan ng nilikhang tambulisli­s ang mga kawayang pinuputol nila,” sagot ni Gary.

“Baka tulad rin sila ni Don Andres, hindi naniniwala sa mga nilikha mula sa daigdig ng kababalaha­n,” sagot ni Arman. “Masayang lang ang laway natin!”

“Walang masama sa gagawin natin,” sagot ni Gary. “Tiyak, tagabarang­ay din ang mga kalalakiha­ng ‘yan kaya malamang na naniniwala rin sa mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an!”

“Sige, subukan natin,” sangayon ni Arman.

Kahit alam na ni Mang Abe ang gagawin ng dalawang bata sa paglalakad papunta sa kasama niyang kalalakiha­n, hindi niya pinigil sina Gary at Arman. Hahayaan niyang gawin ng dalawang bata ang gustong gawin dahil tiyak niyang hindi naman ito susundin o pakikingga­n ng mga kasamahan niyang kalalakiha­n.

Ngunit hindi kaagad nangyari ang nabuong balak nina Gary at Arman kahit nakalapit sa mga kalalakiha­n dahil abalang-abala ang lahat sa dapat gawin. Ang nagpuputol, patuloy sa pagpuputol at ang kanilang mga kasama, abalang-abala sa paglilinis sa kahabaan ng mga pinutol na kawayan. Ngunit hindi sapat ang pangyayari­ng ito para mapigil sina Gary at Arman sa gustong gawin para sa mga tambulisli­s na naniniraha­n sa malagong kawayanan. Agad silang lumapit sa isang lalaking nagpuputol ng kawayan ng tumigil para humithit ng sigarilyo.

“Bakit ho ninyo pinuputol ang mga kawayan?” Tanong ni Gary.

“Ipinagbili na ‘yan ni Don Andres sa may-ari ng palaisdaan sa Laguna Lake,” sagot ng lalaki.

“Ano hong gagawin sa kawayan?” Tanong ni Arman.

“Gagamitin sa paggawa ng kulungan ng isda sa Laguna Lake,” sagot ng lalaki matapos humithit ng sigarilyo.

“Bakit ho kawayan ang ginagamit sa paggawa ng kulungan ng isda?” Tanong uli ni Gary.

“Matibay ang kawayan kaysa sa kahoy sa tubig. Kung kahoy ang gagamitin, kaagad itong mabubulok,” paliwanag ng lalaki. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines