Balita

PSI, armas ng PSC

-

NAPAPANAHO­N ang panawagan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Philippine Sports Commission (PSC) na palakasin ang programa sa sports sa mga lalawigan matapos mailunsad ang Philippine Sports Institute (PSI) nitong Enero.

Sa kanyang mensahe sa isinagawan­g awarding ng cash incentives sa mga atletang Pinoy na nagwagi ng medalya sa nakalipas na 29th Southeast Asian (SEA) Games, hinamon ni Duterte ang PSC na pagibayuhi­n ang pagpapataa­s ng kalidad ng mga atleta para makasabay sa mga karibal sa pagsabak sa 30th SEA games edition na gaganapin sa bansa sa 2019.

Ayon sa Pangulo, malaking hamon sa ahensiya ang makapagsan­ay nang mahuhusay na atleta mula sa mga lalawigan sa buong bansa.

“I enjoin PSC to widen its scope and recruit nationwide. Look for them in non-traditiona­l places and include members of the indigenous tribes and the out-of-school youth. Let’s give them a chance to hone their talents and live up to their fullest potentials “pahayag ni Duterte.

Iginiit naman ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na ang pagbabalik ng PSI ang tutugon sa pagananais ng Pangulo na makatuklas nang mga bata at mahuhusay na atleta na mailalaban sa internatio­nal competitio­n.

Aniya, malaking bahagi ng P240 milyon budget ng ahensiya mula sa General Appropriat­ion sa 2018 ay nakalaan sa ‘grassroots program’ at paghahanda sa mga atleta sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

“This means making sports accessible to the periphery, to the communitie­s, especially to the needy, destitute, out-of-school youth and to the indigenous and Muslim communitie­s and even those in despair. That’s the center of our grassroots sports program,” sambit ni Ramirez.

Binuhay ni Ramirez ang PSI nitong January 16 at kaagad na sinimulan ang Sports Mapping Action Research Talent Identifica­tion (Smart ID) Train the Trainers Program sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa bansa sa pamamagita­n ng Sports Mapping Action Research for Talent Technical Experts and Manpower (Smart Team).

Ang isinagawan­g testing ay magagamit na batayan ng PSI kung saang sports nararapat na sumabak ang isang atleta. Bukas din ang programa sa mga out-of-school youths at indigenous people (IP) children.

 ?? PSC PHOTO ?? MASUSING pinakiking­gan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Charles Maxey (gitna) ang ‘assessment report’ ng mga tagapangas­iwa ng track oval sa Ramon Mitra Jr. Sports Complex sa Puerto Prinsesa City, Palawan na posibleng gamitin na...
PSC PHOTO MASUSING pinakiking­gan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Charles Maxey (gitna) ang ‘assessment report’ ng mga tagapangas­iwa ng track oval sa Ramon Mitra Jr. Sports Complex sa Puerto Prinsesa City, Palawan na posibleng gamitin na...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines