4-Stag Finals ng Pitmasters Cup
ANG pinakahihintay na 4-stag finals ng 2017 World Pitmasters Cup ( Master Breeders Edition) 9- Stag International Derby ay magsisimula ngayon kung saan ang unang grupo ng mga finalists na may iskor na 3 at 3.5-puntos mula sa una at ikalawang semis ay maghaharap para sa pinakamataas na iskor na 7.5 puntos na posible rin sapat na para magkampiyon.
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na world-class stagfighting event ay eksklusibong itinataguyod ng Thunderbird Platinum and Resorts World Manila.
May tig-tatlong panalo at isang tabla mula sa unang araw ng semis sina Raymond dela Cruz (Old Model 1), Sonny Manalastas & Boy Gamilla ( BMJ- SB Man), Mayor Goto & Bokal Cholo (BOS Carlo), DC/NU (Thor Mr. Hyde 1), Patrcik Antonio (Sagupaan B50 AEJ Gamefarm), Femy Medina (FaFaFa-EGM) , samantalang sa ikalwang semis ay sina D&A Gamefarm (Banahaw Cup 5-Stag Charity Derby Oct. 8), Joey Salangsang & Danny Lim (Lion’s Den Diego JS), Danny Lim/Bong Pineda ( Lion’s Den/ Sto. Niño/ SJC), Atty. Capuchino (ARC-482- Pilar-Oliver-LAC), Magno Lim/ PS/AEJ Gamefarm (MYL/AEJ), Mayor Nene Aguilar ( Super Striker AAO-2), Mayor Espiritu/ Danny Bulldog (Bulldog Feb. 10 2018 sa Laoag City), Shaq/Paolo Reyes (Shaq Sta. Cruz 1) at Boy Velez (San Benito).
Namayani sa ikatlong semis sina Cong. Peter Unabia/RB (Sta. Maria/Sr. Pedro Knights 1) na nagtala ng 5 panalo at si RJ Mea (RJM-Tiaong) na nagkamada ng 4.5 puntos.
May apat na puntos naman sina Gerald Garcia ( GeGar Gamefarm 1), Cong. Khulit Alcala ( Happy Khulit Diana), Danny Teves ( GRT Chanter Sept. 28 5- Stag Biñan), Eddie Gonzales ( Super Gee/ NJJR), Hector Magpantay/ Coun. Pinggoy Lagumbay/ Coun. J. Ferrer (HGM Rancheros 5-Stag Nov. 23 SMC), Jojo Gatlabayan/ Roger Felix/Rey Directo-SL (Risk Taker RSF RMD), Jun Bacolod/ Elmer Bantilan/Danny Boaquena (Roan Dan-Ace Panaghoy GF), Patrick Antonio ( Sagupaan Selectrogen AEJ Gamefarm) at Engr. Rico (Mitch 6-Stag Nov. 12 Paniqui-1).
May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9- Stag International Derby ay inaasahang mas tataas ang level ng kompetisyon.
Ang 4-stag finals para sa mga kalahok na may iskor na 2 - 3.5 puntos mula sa 3rd semis ay magbabanggaan bukas Set. 23. Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.