Balita

De Ocampo, MLQU umarya sa NAASCU

-

BAHAGYA lamang pinagpawis­an ang De Ocampo Memorial College upang pataubin ang Manuel Luis Quezon University, 86-75, at sungkitin ang unang puwesto sa Group B sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyon­g.

Pakitang gilas sina Jhonard Clarito at Angelo Ramos para sa ika-pitong dikit na panalo ng Cobras, na nakatitiya­k na ngayon ng outright quarterfin­al berth tangan ang twice-to-beat incentive.

Si Clarito ay mayroong 25 puntos at 14 rebounds habang si Ramos ay nag-ambag ng 15 puntos at anim na rebounds para sa De Ocampo, na tanging koponan na wala pang bahid na talo.

Nanguna si Jayson Grimaldo para sa Stallions sa kanyang 27 puntos at 12 rebounds, kasunod si Gianne Rivera na may 19 puntos.

Sa ibang laro, binigo ng Our Lady of Fatima University ang Holy Angel University, 83-78, at nakalusot ang City University laban sa Lyceum of Subic Bay, 91-72.

Nagsalansa­n nang pinagsaman­g 28 puntos sina Dunray Geraldo at Jessiery Pedrosa para sa Phoenix ni coach Ralph Rivera.

Si Karl Christian Sampang ang namuno sa Holy Angel sa kanyang 21 puntos at siyam na rebounds.

Pasiklab si Edgar Erice Jr. sa kanyang 42 puntos, 14 rebounds at anim na assists para sa Pasay.

Nag-ambag si Aldrin Telpo ng 36 puntos at 11 rebounds.

Sa LSB, si Kristian Santos ay may 25 puntos, 6 rebounds at 6 asists.

Nauna nang umabante sa quarterfin­als ang defending champion St. Clare College-Caloocan (6-1) at Philippine Christian University (5-2) mula sa Group A.

Ang PBA legend na si Pido Jarencio ang commission­er.

Iskor: (Unang laro)

DOMC (86) -- Clarito 25, Ramos 15, Atabay M. 8, Lescano 7, Manalang 6, Atabay R. 6, Montojo 3, Simon 2, Pascual 2, Gallardo 2, Dela Cruz 2, Artesano 2, Wenceslao 1, Cañeles 0.

MLQU (75) -- Grimaldo 27, Rivera 19, Lao 18, Dela Cruz 4, Tiquia 4, Asturiano 3, Jamila 0

Quartersco­res: 31-17, 56-30, 66-52, 86-75.

(Ikalawang laro) OLFU (83) -- Geraldo 16, Diosa 12, Pedrosa 12, Bargola 10, Essomba 7, Cabrera 7, Datu 5, Jimenez 5, Bacay 4, Canoy 2, Fabros 0

HAU (78) --Sampang 21, Buan 11, Tungcul 11, Pacoma 9, Luna F. 9, Luna N. 6, Candelaria 5, Patawaran 4, Miranda 2.

Quartersco­res: 15-14, 30-35, 56-53, 83-78.

(Ikatlong laro) CUP (91) -- Enrice 42, Telpo 36, Acidre 11, Padilla 2, Dela Cruz 0.

LSB (72) -- Santos 25, Hansen 9, Alcantara 8, San Luis 5, Castillo 5, Del Rosario 5, Jacaban 4, Saludo 2, Paje 2, Macatlang 0.

Quartersco­res: 20-8, 39-28, 53-51, 91-72

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines