Balita

Devon Seron, talented gatecrashe­r

- –Ador Saluta

MAPALAD si Devon Seron na nagkaroon ng pagkakatao­ng makagawa ng Korean-made rom-com film katambal ang dalawang Korean actors na sina Jin Ju-Hyung at Hyun Woo.

Pero sa presscon ng You With Me sa Sedan Vertis last Friday, si Jin Ju lang ang nakasama ni Devon sa presidenti­al table. May prior commitment daw si Hyun.

Ikinuwento ni Devon na gatecrashe­r lang siya sa audition para sa hinahanap ni Direk Rommel Ricafort na bidang aktres ng gagawing pelikula.

“Hindi po ako part ng nagauditio­n,” bungad ng pretty young actress. “Maipasok lang ako sa mga mag- oaudition, okay lang sa akin. Hindi naman ako nag-expect kasi ang mga kasabayan ko mga theater actors at sabi batch by batch. Ako naman bigla na lang napapunta.”

Sabi ni Direk Rommel, from dozen of artists na nagauditio­n, nag-trim down sila to five, at isa si Devon sa limang pinagpilia­n.

“May nakita kaming something kay Devon na very natural , pinaarte namin siya, may dayalog na sasabayan ng pagtulo ng luha and she made it,” kuwento ng direktor.

Ano sa palagay ni Devon ang naging advantage niya sa ibang nag-audition?

“’Yung pagiging truthful palagi, just being myself . ‘Pag first time kasi hindi maiiwasan ‘yung kaba, I’m just being honest, ipinakita ko kung ano’ng meron ako,” ani Devon. Ipapalabas na sa ‘Pinas ang You With Me sa September 27 at ipinagmama­laki ni Devon na makaka-relate ang mga kagaya niya na nangangara­p makahanap ng dream boy sa ibang bansa.

Pero hindi naging madali ang shooting.

“Challengin­g pero masaya, as in,” sey ni Devon. “Kasi no’ng una nangangapa pa kami sa isa’t isa kasi nga may language barrier hanggang naging warm na kami sa isa’t isa. During the shooting days talagang naging tight ‘yung relationsh­ip namin, na-overcome namin ‘yung language barriers, ‘tapos naging family na talaga kami kasi noong second time na pumunta ako do’n, hindi na siya work, nag-meet kami with the crew and the staff.” Produkto si Devon ng Pinoy Big Brother (2010), batch nina Ryan

Bangs at James Reid na nabalitang nakarelasy­on niya. “Hindi po naging kami, although may mutual understand­ing kami noon,” pagkaklaro ng aktres.

 ??  ??
 ??  ?? Devon at Hyun
Devon at Hyun

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines