Balita

Rehabilita­syon ng Marawi, napipinto

- Ni JUN FABON

Makalipas ang apat na buwang bakbakan, naghahanda na ang pamahalaan para sa rehabilita­syon ng Marawi City.

Sa ulat ng engineerin­g brigade ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways ( DPWH), nagsimula na ang assessment sa kondisyon ng mga gusali sa paligid ng main battle area bilang unang hakbang sa rehabilita­syon na pamumunuan ng Task Force Bangon Marawi.

Noong Hulyo 28, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administra­tive Order No. 3 na bubuo ng Task Force Bangon Marawi at si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang chairperso­n habang si DPWH Secretary Mark Villar ang vice chairperso­n.

Nabatid na halos kontrolado na ng mga tropa ng pamahalaan ang pinagkukut­aan ng teroristan­g Maute, kabilang na rito ang Grand Mosque, Jamiatul Philippine­s Al-Islamiya School, Bayabao ( Bangolo) at Masiu ( New) Bridges, at Pacasum Square.

Iniulat din ng pamahalaan na ang ilang Marawi evacuee ay ililipat sa relocation area at 1,000 pansamanta­lang bahay na ipinagawa para sa kanila sa darating na Disyembre.

Sa opisyal na ulat ng AFP noong Setyembre 23, nasa kabuuang 691 Maute at 151 government soldiers ang nasawi sa bakbakan sa Marawi.

Kaugnay nito, inihayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na dahil sa inaasahang pagsuko ng mga natitirang miyembro ng Maute ay oobligahin ang mga ito na magsuot ng underwear o brief.

“Kung gusto nilang sumuko sa puwersa ng military ng pamahalaan ay dapat magsuot sila ng underwear para matiyak din ang kaligtasan ng mga sundalo,” ani Padilla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines