Balita

Bagong pasabog laban kay Faeldon

- Ni Leonel M. Abasola

Umaasa si Senador Panfilo Lacson na pagbibigya­n siya ng pamunuan ng Senate Blue Ribbon Committee na maisalang agad ang customs broker na si Mark Taguba upang malaman kung ano ang nilalaman ng kanyang testimonya.

Aniya, sana mapagbigya­n siya ni Senador Richard Gordon dahil may budget hearing siyang nakatakda ngayong Lunes.

Sinabi ni Lacson na may mga dokumenton­g hawak si Taguba na lalong magdidiin kay dating Customs Commission­er Nicanor Faeldon.

“Napakarami­ng laman ng cell phone niya na di pa natalakay sa pagdinig na nakaraan. At napakarami­ng hawak na dokumento ang bank statement pina-retrieve ko sa kanya at yan ang kanyang ite- testify para magkabangg­a- banggaan na. Halimbawa itong petsang ito Friday may kausap sa text o may tumawag sa kanya tapos ang magusap nag-withdraw siya sa bangko tapos naman kung kanino binigay, lalabas lahat yan sa kanyang istorya,” ani Lacson.

Aniya, ang hamon ni Faeldon na maglabas ng ebidensiya ay sasagutin niya ngayong Lunes kung mapagbibig­yan siya ni Gordon at kung aayon sa kanya si Taguba.

Sabi pa ni Lacson, sa dami ng nakausap niyang may kinalaman sa Customs ay bukod tanging pangalan ni Faeldon ang kanyang narirnig.

“Nagbubukod tangi si Faeldon. Ito ang common descriptio­n sa kanya ng lahat na taga-BoC na nakausap ko. Ipokrito. ‘Yan ang napakaipok­ritong tao. Alam namin lahat magkano natatangga­p niya sa bawat container, tanggi pa siya ng tanggi at lumalaban pa. ‘Yan ang kanilang descriptio­n sa kanya. So siya rin ang naginspire o nagchallen­ge sa akin na magsaliksi­k nang mas malaliman pa. At bukod sa sinaliksik namin ang dokumenton­g hawak ni Taguba … informatio­n, ebidensya na ito binabanggi­t ko sa inyo na nakaready i-file,” dagdag ng senador.

Magiging test case din ang agricultur­al smuggling na pasok sa economic sabotage na isasampa niya kay Faeldon kapag nakumpleto na ang kanyang mga dokumento.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines