Balita

R1.7M pinsala sa palayan sa Negros dulot ng sakit, peste

- Mark L. Garcia

Bacolod City – Iniulat ng Office of the Provincial Agricultur­ist na may kabuuang P1.7 milyong halaga ang napinsala sa taniman ng palay, dahil sa mga dumapong sakit sa halaman at pagsalakay ng mga peste sa isang lungsod at tatlong bayan sa Negros Occidental, na umabot sa 85.08 ektarya.

Iniulat na napinsala ang palayan sa Sipalay City at La Castellana, Calatrava at Hinigaran dahil sa rice black bugs (RBB), rice grain bugs(RGB), daga, rice blasts, stemborer o aksip at bacterial leaf blight mula Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.

Aabot sa P1,742,479.20 ang kabuuang halaga ng napinsala, pinakamala­ki mula sa Sipalay City na mayroong P1,103,884.80 sa 23.48 ektarya dahil sa pag-atake ng grain bugs sa Barangay Gil Montilla.

Inihayag ni Provincial Agricultur­ist Japhet Masculino na ang mga naturang grain bug ay umaatake kapag ang bigas ay naglalabas na ang gatas, na nagiging dahilan kung bakit hindi na maaaring kainin ang bigas.

Gayunman, inatake na ng metarhiziu­m fungus ang mga palayan bago pa man ito naapektuha­n ng RGB at RBB, matapos nila itong mapatunaya­n.

Sumunod sa Sipalay ay ang bayan ng La Castellana, na nakapagtal­a ng P435,456 kabuuang pinsala sa 10.08 ektarya dulot ng RBB.

Tinatayang 31.9 has. ng palayan naman ang naapektuha­n sa munisipali­dad ng Hinigiran, dulot ng iba’t ibang sakit ng halaman gaya ng rice blast, stemborer o askip at bacterial leaf blight, pati na rin ang pagsalakay ng mga daga.

Umabot sa P187,638.40 ang kabuuang pinsala sa bayan. Ipinakita rin sa rekord na isa pang 12.60 ektarya ng palayan sa Hiringan ang napinsala ng baha nitong nakaraang buwan, na may kabuuang P76,608 halaga.

Samantala, maliit lamang na porsyento ang naapektuha­n sa Calatrava dulot ng RBB at pagsalakay ng mga daga, na 4 ektarya lamang ng palayan ang naapektuha­n at P4,800 ang halaga ng pinsala.

Pinaalalah­anan rin ni Masculino ang mga magsasaka na maging alerto sa pagkalat ng lahat ng ganitong klaseng sakit, na maaaring mangyari sa kanilang taniman at ipagbigay-alam agad ito sa kanilang city at municipal agricultur­ist, kung may nakikitang sintomas.

“The occurrence of different pests and diseases is getting worse and needs the vigilance of the farmers to ensure that the surroundin­gs of their planted areas are clean,” aniya.

Binanggit rin niyang ibinigay na sa mga magsasaka ang supply na kanilang kailangan at sinusuri na nila kung nag-enroll ang mga ito sa crop insurance program ng gobyerno upang tulungan ang mga ito sa pagbubuno ng pondong kakailanga­nin upang makabawi sa pagkalugi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines