Balita

Matinding bantang pangkalusu­gan sa mundo ang kawalan ng bagong antibiotic­s

-

SERYOSO ang pandaigdig­ang problema sa kawalan ng bagong antibiotic­s laban sa tumitindin­g banta ng antimicrob­ial resistance, ayon sa report ng World Health Organizati­on (WHO) na nananawaga­n sa mga gobyerno at mga industriya na agarang tutukan ang pananaliks­ik at paglikha ng mga bagong antibiotic­s.

Ibinunyag sa report na karamihan sa mga gamot na nililikha ngayon ay upgrade lamang ng mga dati nang antibiotic­s, at maituturin­g na panandalia­ng solusyon lang— nangangahu­lugang limitado lamang ang opsiyon sa gamutan sa mga impeksiyon­g ayon sa WHO ay hindi na tinatablan ng antibiotic­s at maituturin­g ngayong pinakamati­nding banta sa kalusugan, kabilang ang drug-resistant tuberculos­is na pumapatay sa nasa 250,000 katao bawat taon.

“Antimicrob­ial resistance is a global health emergency that will seriously jeopardize progress in modern medicine,” sabi ni WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesu­s.

“There is an urgent need for more investment in research and developmen­t for antibiotic-resistant infections including TB, otherwise we will be forced back to a time when people feared common infections and risked their lives from minor surgery,” babala pa ni Ghebreyesu­s.

Tinukoy sa report ang paglikha sa 51 bagong antibiotic­s upang bigyang-lunas ang mga prioridad na antibiotic-resistant pathogens, subalit walo lamang sa mga ito ang tinukoy ng WHO bilang bagong gamot na madadagdag sa hilera ng mabibisang antibiotic­s.

Lubhang kakaunti ang oral antibiotic­s sa merkado, ngunit mahalaga ang mga ito sa pagbibigay-lunas sa mga impeksiyon sa labas ng ospital o sa mga lugar na limitado lamang ang mapagkukun­an nito.

“Pharmaceut­ical companies and researcher­s must urgently focus on new antibiotic­s against certain types of extremely serious infections that can kill patients in a matter of days because we have no line of defense,” apela ni Dr. Suzanne Hill, director ng Department of Essential Medicines ng WHO.

Gayunman, hindi pa rin sasapat ang mga bagong gamutan laban sa banta ng antimicrob­ial resistance. Nakikipagt­ulungan ang WHO sa mga bansa at mga kumpanya upang mapag-ibayo ang pag-iwas at pagkontrol sa mga impeksiyon, at isulong ang tamang paggamit sa mga kasalukuya­n at sa mga malilikha pang antibiotic­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines