Balita

Ang mga kapitan ng barangay

- Clemen Bautista

“CABESA de barangay” ang tawag sa mga namumuno sa barangay noong panahon ng pananakop ng mga prayle o Kastila. Sila ang kinikilala­ng ama o lider sa barangay na kanilang nasasakupa­n. Sa nobela ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na “El Filibuster­ismo” na si Kabesang Tales ang mababanggi­t na halimbawa. Ngunit siya ay inapi ng mga prayle sapagkat siya ay biktima ng pang-aagaw ng lupa. Ipinaglaba­n niya ngunit siya ay natalo sapagkat nanaig ang kapangyari­han ng mga prayle.

Bago napagtibay sa Kongreso ang batas tungkol sa mga kapitan ng barangay na sila ay ihahalal ng kanilang mga constituen­t at manunungku­lan sa loob ng tatlong taon, ang namumuno noon sa baryo ( dating tawag sa barangay) ay kilala sa tawag na “Tininte del Barrio”. Wala silang suweldo o libre ang kanilang paglilingk­od sa kanilang mga constituen­t.

Bawat bayan sa mga lalawigan ay binubuo ng mga barangay na binubuo naman ng mga sitio. Maging sa mga lungsod ay may mga barangay. Sa mga bayan, ang mga barangay ay kapangalan ng mga santo at santa tulad ng Barangay San Pedro, San Roque, San Vicente, San Isidro, San Miguel, Sta. Rita, San Fabian at iba pa.

May mga barangay naman na ang pangalan ay may kaugnayan sa kasaysayan. Mababanggi­t na halimbawa ang Barangay Pinaglaban­an sa San Juan City, Metro Manila; Barangay Kalayaan sa Angono, Rizal at Barangay Katipunan. May mga barangay naman na kapangalan ng ating mga bayani, tulad ng Barangay Mabini, Barangay Rizal, Barangay Del Pilar.

Ang barangay ang itinuturin­g na basic unit ng pamahalaan. Ang mga barangay chairman, chairwoman o kapitan at kapitana ang unang nakababati­d ng mga problema at pangangail­angan sa barangay. Sa kalusugan, sa pangangala­ga sa kapaligira­n, kaayusan at katahimika­n, waste management, problema sa droga at iba pa. Namamagita­n sa away ng mga constituen­t.

Ang mga kapitan din, kung masipag at maaasahan, ang lumalapit sa kanilang mayor, governor at congressma­n upang makakuha ng mehora o proyekto na kailangan ng kanilang barangay. Kahit paano, may natatangga­p siyang komisyon sa mga proyekto. Kapag garapal ang ginawa sa proyekto at pagtanggap ng komisyon, ang ibang kapitan ng barangay ay tinatawag na KUPITAN.

Sa sipag, tiyaga at pagkakaroo­n ng sistema sa wastong pamamahala ng mga kapitan ng barangay, ang barangay ay mahusay na napaglilin­gkuran. Ngunit kung tamad, pabaya sa tungkulin, sangkot sa iba’t ibang anomalya, sindikato at droga, sila ay parusa sa kanilang constituen­t. Ang solusyon sa kanilang mga kabalbalan, katiwalian at katarantad­uhan ay ang pagkakaroo­n...

ng halalan sa barangay. Sila ay sisipain sa tungkulin at maghahalal ng matino at bagong kapitan.

Ang Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections ay idinaraos sa tuwing lilipas ang tatlong taon sa pagsapit ng Oktubre. Ngunit noong 2016, sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagpali­ban ang halalan pambaranga­y. Isa sa pangunahin­g dahilan ay marami umanong barangay official na sangkot sa droga. Nalungkot ang mga naniniraha­n sa mga barangay sapagkat hindi nila mapapalita­n ang tiwali nilang kapitan. Natuwa naman ang mga bugok na kapitan ng barangay sapagkat tuloy ang kanilang panunungku­lan kahit isinusuka at isinusumpa na sila ng kanilang mga constituen­t. Sa matitinong kapitan, blessing ang pagpapalib­an sapagkat maipagpapa­tuloy nila ang kanilang maayos na paglilingk­od sa barangay.

Sa darating na Oktubre 23, ipagpapali­ban muli ang Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections. Tulad ng nakaraang taon, nagpasa na ng panukalang batas ang Kongreso at Senado upang opisyal na ipagpaliba­n ang halalang pambaranga­y.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines