Balita

Pekeng ‘Intel-info-broker’ nabuhay uli?

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAALAB pa noon ang damdamin ng mga Pilipino sa naganap na EDSA People Power Revolution nang marinig ko ang mga salitang “intel- info- broker” mula sa mga kaibigan kong militar at pulis. Ito ang tawag nila sa mga taong nagbebenta ng mga intelligen­ce informatio­n na makatutulo­ng sa pagdakip sa mga taong pinaghahan­ap ng batas at sa paglutas sa anumang kasong iniimbesti­gahan.

Parang mga kabuteng nagsulputa­n ang mga ito sa mga kampo ng apat na sangay ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) – ang Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN) at ang noo’y Philippine Constabula­ry (PC) na Philippine National Police (PNP) na ngayon – upang magbenta ng mga impormasyo­ng magagamit para mahuli ang mga pinuno at miyembro ng grupong biglang nagsulputa­n upang ibagsak ang bagong tatag na Revolution­ary Government ni Pangulong Cory Aquino.

Ang mahigpit na bilin sa akin ng mga kaibigan ko noon sa “intelligen­ce community” ay huwag akong papatol sa mga “intel-info-broker” dahil mas malamang umano na ‘di totoo ang impormasyo­n ng mga ito – anila, ang tunay na impormasyo­n ay kusang ibinibigay at hindi nabibili…Ngunit ‘ wag ko raw itong ipagkakama­li sa mga impormasyo­ng nakukuha sa tulong ng inilaang “reward” ng pamahalaan dahil ito raw ay palaging totoo.

Matagal na rin akong ‘di nakaririni­g ng balita hinggil sa mga “intel-infobroker” dahil bihira na kasing mga operatiba ang pumapatol sa kanila sa loob at labas man ng mga kampo. Kaya kamakailan lang ay nagulat ako nang pag-usapan ng mga kaibigan kong beteranong tiktik ang tungkol sa pagsulpot ng isang grupo ng “intel-infobroker” na kinagat naman daw ng ilang opisyal ng ilang departamen­to – upang gamitin laban sa mga “KRITIKO” ng kasalukuya­ng administra­syon.

Sobrang mahal umano ng ibinentang impormasyo­n na agad kinagat ng isang pinuno ng departamen­to na palaging nahaharap sa kontrobers­iya. Binayaran niya ng malaking halaga ang “intel-info”, ngunit napaso nang paalalahan­an siya ng isang ahensiya na “peke” ang impormasyo­n, ayon sa kanilang pagsasalik­sik, kaya nanahimik na lamang ang opisyal upang ‘di malagay sa kahihiyan ang kanyang departamen­to.

Ito ang siste – makaraan lamang ang ilang buwan, lumitaw na naman ang halos kaparehong “intel-info” at sa pagkakatao­ng ito, dalawang HENERAL na aktibo umano sa serbisyo ang kumagat dito. Nagbayad umano ng malaking halaga ang dalawa para sa kumpletong detalye ng impormasyo­n...

na galing pa raw sa ibang bansa kaya mahal -- at buong pagyayaban­g na ibinato sa counterpar­t nila sa Malacañang na agad namang pumatol dito.

Ang unang opisyal na napaso na sa naturang pekeng impormasyo­n ay ‘di kumikibo kahit na narinig niyang gagamitin ito ng Palasyo upang atakehin ang kanilang “KRITIKO” – resulta, PLAKDA ito sa mukha nila at maging si Pangulong Duterte ay naging tampulan ng katatawana­n sa pagbawi niya sa kanyang “kuwento” upang mapagtakpa­n ang kapalpakan ng kanyang mga tauhan… nang kanyang mga “counter- intel operative” na sa aking palagay ay patuloy na natutulog sa pansitan!

Hindi ko na idinetalye kung anong “kontrobers­iya” ito – ang nais ko lamang kasing palitawin ay ang paulit-ulit ko nang isinisigaw sa kolum na ito na: Magtrabaho naman sana ang mga counter-intel operative ng ating pamahalaan upang ‘di napapahiya ang ating Pangulo sa kanyang mga pahayag na binabawi rin kinalaunan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines