Balita

Tuloy ang laban

- Ric Valmonte

KINIKILALA ng gobyerno, ayon sa Malacañang, ang bawat sentimiyen­to ng mga nakilahok sa National Day of Protest nitong Huwebes, partikular ang batikos sa war on drugs ni Pangulong Duterte. Kumikilos, aniya, ang administra­syon alinsunod sa rule of law kasunod ng panawagan ng mga raliyista na itigil na ang mga pagpatay sa pagpapaira­l ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga. Pero, sabi ng Pangulo, “Tuloy ang war on drugs.” Inulit na naman niya ang lagi niyang bilin sa mga pulis: “Kapag lumaban ang mga hinuhuli ninyo na mga sangkot sa droga at nalagay ang inyong buhay sa panganib, patayin ninyo!”

Ito ang script na sinusunod ng mga pulis sa pagpapatup­ad sa drug war ng Pangulo. Lahat ng mga napatay, kabilang na sina Mayor Rolando Espinosa, Sr., ng Albuera, Leyte at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, ay nanlaban habang sila ay inaaresto.

Kaya, palaging may baril sa tabi ng bangkay na napatay ng mga pulis dahil bukod sa panlalaban ay hinihinala­ng gumagamit at nagtutulak ng droga. Dahil halos lahat ng mga napatay ay dukha, ang klase ng baril na nasa tabi ng bangkay ay kinakalawa­ng na .38 caliber. Nabisto na scripted ang mga pagpatay ng mga pulis nang madale nila ang kabataan. Hindi na umubra ang kanilang dahilan na lumaban ang mga ito dahil sa closed-circuit television (CCTV) footage at mga testigo. Kinasuhan na ng murder ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay nina Kian, Carl, at Reynaldo.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, nangako si PNP Chief Ronald dela Rosa kay Chairman Ping Lacson na isusumite niya ang mga spot report tungkol sa mga patayang nangyari sa pagpapatup­ad ng kampanya laban sa droga at ang iniimbesti­gahan nilang extrajudic­ial killings. Nangako rin si Dela Rosa na bibigyan niya ng kopya ang Commission on Human Rights para makagawa ito ng sariling imbestigas­yon. ...

Hindi pinahintul­utan ni Pangulong Digong si Dela Rosa na tuparin ang kanyang ipinangako. Ayon sa Pangulo, classified ang mga spot report at may kaugnayan ang mga ito sa seguridad ng bansa. Bakit nga naman ipagkakalo­ob mo sa iba ang mga spot report, eh di naihayag sa publiko ang nilalaman ng mga ito. Malalaman na script ang mga ito. Kung hindi pareho ang mga nakasulat dito, pareho ang buod na ang mga napatay na may kaugnayan sa droga ay armado at nanlaban.

Paano lalabanan ng taumbayan ang ganitong ginagawa ng mga taong dapat na magtanggol at mangalaga sa kanilang kaligtasan? Iniikutan nila ang batas sa layuning ipatupad ang war on drugs na ayaw ipatigil ng Pangulo? Naumpisaha­n na nilang lumaban noong nakaraang Huwebes, kailangan ipagpatulo­y nila ito. Sabi nga ni dating Senador Jose W. Diokno, “Kapag tinanggap natin ang karahasan, wala nang paraan para mapigil ito.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines