Balita

Tatlong lola, balik-eksena sa bagong talk show

-

MADALAS nating marinig, laughter is the best medicine. Pero kung ang phenomenal na mga lola ang magbibigay ng gamot na ito, tiyak na lalong mapapabili­s ang paggaling sa sakit.

Unang lumabas sa TV screen sina Lola Nidora, Lola Tinidora, at Lola Tidora sa pamamagita­n ng Kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbidah­an ng AlDub o nina Alden Richards at Maine

Mendoza. Sa naturang segment sumikat nang husto ang tatlong lolas.

Sina Lola Nidora, Lola Tinidora at Lola Tidora ang naging larawan ng malinis na aliwan at mga katutubong katangian ng mga Pilipino. Nakakapagb­ahagi sila ng karunungan at aral sa matatanda man o sa kabataan. Dahil mabilis na nakaka- relate sa kanila ang lahat ng mga manonood, lalo na’t mabilis nilang nagagawang katatawana­n maging ang pinakamalu­lungkot na paksa.

Hanggang ngayon, marami ang nakakaalal­a sa “Babala!” ni Lola Nidora, “Whooo!” ni Lola Tidora at ang kuwelang pagsayaw ni Lola Tinidora ng Mambo No. 5.

Ito ang nami- miss ng mga manonood ng Eat Bulaga. Pero dahil sa insistent viewers’ demand, ang tatlong lola ay muling ibinabalik sa telebisyon.

Sa kanilang mga kuwelang usapan kasama ang mga sikat na guest celebritie­s, tiyak na muling mapupuno ng katatawana­n ang tanghali sa kanilang bagong talk show.

Simula ngayong alas- 11: 30 ng umaga, araw- araw na silang mapapanood sa The Lolas’ Beautiful

Show sa GMA-7.

 ??  ?? ‘The Lolas’
‘The Lolas’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines