Balita

Team Philippine­s, nakabawi sa Thailand

-

CHENZHOU, China – Kaagad na bumawi ang Chooks-to-Go.

Humulagpos ang Team Pilipinas mula sa dikitang labanan sa final period para maitakas ang 115102 panalo kontra Mono Vampires ng Thailand nitong Linggo sa 2017 FIBA Asia Champions Cup sa Chenzhou Sports Center.

Wala pang 24 na oras ang ginawang pagbangon ng Pinoy cagers para mabawi ang kabiguang natamo sa kamay ng Palestine nitong Sabado.

Pinangunah­an ni Carl Bryan Cruz, kumana ng walong three-pointer para sa kabuuang 28 puntos, ang opensa ng Chooks-to-Go. Nakabawi rin si import Isaiah Austin, nagtamo ng injury sa paa laban sa Palestine, sa natipang 27 puntos, 19 rebounds, at apat na blocks.

Nag- ambag si Kiefer Ravena ng 24 puntos, at pitong assist.

Tangan ang 2-1 karta, nangunguna ang Team Philippine­s sa Group A at sigurado na sa quarterfin­als. Nakatakda nilang harapin ang Iran’s Petrochimi.

Nanguna sa Thailand si dating PBA import Mike Singletary sa nakubrang 32 puntos, 10 rebounds at pitong assists.

Iskor: CHOOKS- TO- GO PILIPINAS (115) - Cruz 28, Austin 27, Ravena 24, Jero. Teng 17, Revilla 9, Manuel 3, Tamsi 3, Jose 2, Vosotros 2, Jeri. Teng 0, Torres 0. MONO VAMPIRE

( 102) - Singletary 32, Brickman 17, Kruatiwa 17, Klahan 10, Apiromvila­ichai 8, Sunthonsir­i 7, Phuangla 6, Sekteera 3, Chanthacho­n 2, Boonyai 0.

Quartersco­res: 31- 22, 57-51, 81-77, 115-101.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines