Kylie Jenner, itinago ang baby bump nang pumunta sa Las Vegas
LUMABAS ang mommy at daddy- to- be nitong Sabado ng gabi sa Las Vegas. Kinabukasan matapos kumpirmahin ng sources na buntis si Kylie Jenner, pumunta siya sa Las Vegas upang makipagkita sa kasintahang si Travis Scott, na nagtatanghal sa iHeartRadio Music Festival. Tinakpan ng
Keeping Up With The Kardashians star, na magsisilang ng anak na babae sa Pebrero, ang kanyang baby bump sa pagsusuot ng malaking itim na t-shirt at brown na plastic pants.
Mula sa VIP platform, pinanood ni Jenner, 20, si Scott, 25, habang nagtatanghal kasama sina DJ Khaled,
Chance The Rapper, Demi Lovato at French Montana sa T-Mobile Arena. Sa likod dumaan ang magkasintahan upang hindi makita ng publiko.
Wala ni isa man kina Scott at iba pa niyang kasamang artists ang nagsalita ukol sa pagdadalantao ni Jenner.
Pagkatapos ng surprise appearance ni Scott bilang bahagi ng set ni Khaled, nagtungo agad siya sa backstage at namataang kayakap si Jenner. Kinagabihan, nagtungo sa Hakkasan nightclub si Scott para sa isa pang pagtatanghal. Gaya ng naunang balita ng People, sabik maging magulang sina Scott at Jenner. “It is an unexpected but completely amazing turn of events that she could not be more excited or thrilled about,” unang saad ng source. “Everyone is overjoyed for her,” dagdag pa nito. “This is the happiest she’s ever been.” Isa pang insider ang nagsabi na nagsimulang sabihin ni Scott sa kanyang mga kaibigan ang pagbubuntis ni Jenner noong Hulyo. “He was so excited he couldn’t keep it in,” sabi ng insider. “He’s been so affectionate and protective of Kylie since they found out. He can’t wait to be a dad.” Nagkaroon ng relasyon ang dalawa nitong unang bahagi ng taon.