Balita

Duterte, magiging ‘friendly’ na sa US

- Beth Camia at Ellson A. Quismorio

Handa na si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagkai­bigan sa Amerika at isantabi ang kanyang “independen­t foreign policy”.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pagdalo niya sa araw ng paggunita sa makasaysay­ang balangiga bells sa Eastern Samar nitong Huwebes.

Nangako si Duterte na maghihinay­hinay na sa kanyang mga tirada sa United States.

Bumabawi na rin kasi ang US sa Pilipinas tulad ng pagtulong sa mga tropa ng pamahalaan sa pakikipagl­aban sa teroristan­g Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur.

“This is all water under the bridge, I was under advice by the Department of Foreign Affairs, that I would temper my language and avoid cursing, which I am prone to do if I get emotional,” sinabi ni Duterte, ayon sa ulat ng iba’t ibang news outlets.

Hindi naman ikinatuwa ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa House of Representa­tives ang bagong posisyon ng Pangulo.

“With his new, friendly rhetoric, President Duterte is signalling that, like his predecesso­rs in Malacañang, he will dutifully ensure that the Philippine­s remains a client state of the US,” sinabi ni ACT-Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio.

“He has dropped all pretense of forging an independen­t foreign policy and holding the US accountabl­e for historic injustices committed against the Filipino people,” dugtong ng makakaliwa­ng mambabatas.

Tinawag naman ni Anakpawis Party- List Rep. Ariel Casilao ang bagong pananaw ng Pangulo na isang uri ng “bowing down” sa post-Spanish colonial masters ng Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines