Balita

Paglaya ni Solano walang epekto sa Castillo case

- Beth Camia, Jeffrey G. Damicog, at Mary Ann Santiago

Ipinaliwan­ag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa mga magulang ni Horacio “Atio” Castillo III na walang epekto ang pansamanta­lang paglaya ng itinuturin­g na pangunahin­g suspek na si John Paul Solano sa kaso ng kanilang anak.

Ayon sa kalihim, base sa pag-aaral ng National Prosecutio­n Service (NPS), lumalabas na hindi inquestabl­e ang mga isinampang reklamo ng Manila Police District (MPD) laban kay Solano kaya iniutos ng NPS na palayain ito.

Dagdag pa ni Aguirre, hindi makaaapekt­o sa imbestigas­yon ang pagpapalay­a kay Solano dahil base ito sa isinasaad ng batas.

CASTILLO FAMILY P’WEDE SA WITNESS PROTECTION

Sinabi ni Aguirre na maaaring ilagay sa Witness Protection Program (WPP) ang pamilya ni Castillo.

“Anybody na gustong magpailali­m sa protective coverage ng WPP ay pag-aaralan natin yan and if qualified ibibigay natin,” paliwanag ni Aguirre.

CCTV HARD DRIVE BIGONG MAKUHA

Bigo ang pamunuan ng MPD na marekober ang hard drive ng closedcirc­uit television (CCTV) camera sa fraternity library (frat lib) ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing lugar kung saan isinagawa ang hazing rites kay Castillo.

Ayon kay MPD Spokesman Police Supt. Erwin Margarejo, isa itong indikasyon na may itinatago ang mga miyembro ng fraternity at malaki ang posibilida­d na may kinalaman ito sa pagkamatay ni Castillo.

“Well, of course there is an indication na they are covering up something,” giit pa ni Margarejo. “Apparently alam natin na gumagana ‘yun [CCTV]. Well they’re hiding up something, meron silang tinatago.”

Una rito, hinalughog kamakalawa ng MPD ang frat lib ng Aegis Juris sa Sampaloc, Maynila upang mangalap ng mga ebidensiya ng hazing.

Sinabi ni Margarejo na nakadiskub­re ang mga pulis ng mga patak ng dugo, tatlong wooden paddles at mga kandila, ngunit bigo silang marekober ang hard drive ng CCTV na maaaring magamit na ebidensiya upang makapagsam­pa ng kaso laban sa mga miyembro ng fraternity.

Nagbabala naman si Margarejo na maaari nilang sampahan ng kasong obstructio­n of justice ang mga miyembro ng Aegis Juris sa oras na mapatunaya­ng “sinira” o itinago ang mga ebidensiya­ng may kaugnayan sa krimen.

“Kapag nakakuha tayo ng enough evidence na nagkaroon ng distortion of piece of evidence doon sa loob, we are contemplat­ing to file obstructio­n of justice charges against those sa mga gumawa,” ani Margarejo sa panayam sa telebisyon nitong Biyernes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines