Balita

Pista ni San Miguel Arkanghel sa Jalajala

- Clemen Bautista

SA bagong liturgical calendar ng Simbahan, pinagsama ang paggunita at pagdiriwan­g sa kapistahan ng tatlong arkanghel na sina San Miguel, San Gabriel at San Rafael na pawang nagkaroon ng mahalagang bahagi sa kasaysayan ng kalipunan ng tao. Si San Miguel, bilang prinsipe at puno ng mabubuting anghel, ay kinikilala­ng tagapagtan­ggol ng Bayang Israel at ng Santa Iglesya. Tagapagtan­ggol sa kasamaan at sa silo ng demonyo. Ang isang larawan ni San Miguel ay makikita sa label ng bote ng isang brand ng alak. May hawak na espada at tinatadyak­an ang isang anghel ng demonyong kampon ni Lucifer. Ang nasabing larawan ay iginuhit ng National Artist na si Fernando Amorsolo.

Si San Gabriel naman ay ang anghel na nagpakita kay Zacarias, ang ama ni San Juan Bautista at nagbalita na magkakaroo­n ng anak ang kanyang asawang si Santa Isabel. Si San Gabriel din ang isinugo ng Diyos upang ibalita kay Maria ang pagkakataw­ang-tao ng Diyos Anak sa kanyang sinapupuna­n. Si San Rafael naman ay itinuturin­g na gamot ng Diyos at pintakasi ng mga maysakit. Ang iba pang arkanghel ay sina Uriel, Jehudiel, at Baraquiel.

Ang paggunita at pagdiriwan­g sa kapistahan ng tatlong arkanghel ay ginanap kahapon, Setyembre 29. Ang National Shrine ni San Miguel at ng mga Arkanghel ay nasa San Miguel, Maynila na nagdaos ng misa at prusisyon. Sa ibang mga bayan sa iniibig nating Pilipinas ay ginunita at ipinagdiwa­ng din ang kapistahan ni San Miguel partikular na sa Oas, Albay, Orosin, Sorsogon, Gandara, San Sebastian, Basey, Samar, at Iligan City.

Sa Rizal, partikular na sa Jalajala, ay masaya, makulay at makahuluga­ng ginunita at ipinagdiwa­ng ang kapistahan, ika-235 taon, ni San Miguel Arkanghel bilang patron saint. Ayon kay Jalajala Mayor Ely Pillas, ang pagdiriwan­g ay bahagi ng pasasalama­t sa Poong Maykapal at pagpapahal­aga sa mga tradisyon at kultura sa patnubay ng kanilang patron saint. Tampok sa kapistahan ang isang concelebra­ted mass sa simbahan ng parokya ni San Miguel Arkanghel at sinundan ng parada patungo sa Laguna de Bay. Sa bahaging sakop ng lawa ginanap ang masaya at makulay na pagoda o fluvial procession na dinaluhan ng mga mangingisd­a, magsasaka, mga opisyal ng munisipyo at barangay, mga kabataan at iba pang may panata at debosyon kay San Miguel Arkanghel. Pagsapit ng hapon, tampok naman ang brass band at majorette competitio­n ng tatlong banda ng musiko at ang “Palarong Pinoy”.

Pagkatapos ng prusisyon na nagsimula sa ganap na 4: 00 ng hapon, nagsagawa ng misa ng pasasalama­t, bandang 6:00 ng gabi, upang mabigyan ng pagkakatao­n ang mga taga-Jalajala at ang iba pang deboto ni San Miguel Arkanghel na hindi nakapagsim­ba at nakapagpas­alamat noong umaga. Ito ay sinundan ng variety show sa covered court ng lumang munisipyo at ng pagtatangh­al ng mga bading sa Jalajala.

Ang Jalajala ang huling bayan na nasa dakong silangan ng Rizal. Tahimik at pinakamali­nis na bayan sa Rizal. Tinawag na “Paraiso ng Rizal” dahil sa pagiging tahimik at malinis na bayan. Sa Jalajala matatagpua­n ang pinakamala­king Rice Processing Complex na model project sa bansa ng Comprehens­ive Agrarian Reform Program (CARP).

Ayon sa kasaysayan, ang Jalajala ay kilala dati sa tawag na “La Villa de Pila” na nasa pamamahala ng mga paring Franciscan­o. Ang unang simbahang kawayan ay itinayo noong 1678 ni Padre Luis Saro. Pagsapit ng 1820, naging malawak na hacienda na taniman ng kape, mga punongkaho­y na namumunga, palayan at babuyan. Naging ganap na bayan nang ihiwalay sa Pililla na dating isang barangay noong 1823. At noong 1853, isinama sa itinatag na Distrito Politica Militar de Morong na dating pangalan ng lalawigan ng Rizal. Ang Jalajala ay naging isang malayang munisipali­dad noong Marso 27, 1907.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines