Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-33 labas

“TAMA ka, baka doon lumipat ang mga tambulisli­s,” sagot ni Mang Andong. “Dahil ayon sa kuwento tungkol sa tambulisli­s, hindi lumalayo sa lugar na tirahan ang nilikha kapag nasira ito o nawasak.”

“Hindi lang baka,” sagot ni Mang Edgardo. “Tiyak, doon lumipat ang mga tambulisli­s dahil ugali at isip-sanggol ang mga nilikhang ‘yun.”

“Malamang gumanti ang mga tambulisli­s sa kalalakiha­ng pumutol sa malalaki at matataas na kawayan,” wika ni Mang Andong. “Ngunit kahit gumanti, pangingili­ti lang ang gagawin ng mga nilikhang ‘yun kaya walang epekto sa sumira at nagwasak.”

“Tama ka, Andong,” sagot ni Mang Edgardo. “Gumanti ang mga tambulisli­s sa kalalakiha­ng kasama ni Mang Abe na sumira sa tirahang malagong kawayanan ng mga nilikha.”

“Anong ginawa ng mga tambulisli­s?” Tanong ni Mang Andong.

“Kiniliti nang kiniliti ang nagmamaneh­o ng trak na kinalulula­lanan ng mga kawayan kaya sumadsad sa maputik na gilid ng barangay road at nabalaho,” paliwanag ni Mang Edgardo.

“May namatay ba?” Tanong ni Mang Andong.

“Wala, pero naabala sila nang husto,” sagot ni Mang Edgardo. “Pero kung sa malalim na bangin napunta ang trak, tiyak malaking disgrasya at malamang, may namatay sa mga sakay ng trak na ‘yun!”

At tulad ng mga nakaraang pagkakatao­ng nagkaharap ang dalawang may-edad na lalaki sa tindahang nasa sentro ng Barangay Bayan-Bayan, naghiwalay sila bago kumalat ang dilim.

Matapos marating ang bahay na nakatirik sa lupaing natatanima­n ng niyog na pag-aari ng kaibigang si Mang Daniel, nagsaing si Mang Edgardo para sa hapunan. Habang nagluluto, hindi niya napigilan ang pagbabalik sa alaala ng masakit at malagim na pangyayari sa kaniyang buhay. Ang karumal-dumal na krimeng ugat ng kamatayan ng asawa niyang si Lourdes pati na ng sanggol na nasa sinapupuna­ng hindi niya nalaman kung saan napunta. Kahit mahabang panahon na ang lumipas, nanatiling sariwa sa alaala ni Mang Edgardo ang malagim na pangyayari kaya uhaw na uhaw sa katarungan. Katarungan­g naging mailap dahil maimpluwen­sya at makapangya­rihan ang taong pinaghihin­alaan niyang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen.

“Tiyak, kung hindi ako naghabol sa lupa ng aming pamilyang kinamkam ni Don Andres, hindi mamamatay ang aking magina,” wika ni Mang Edgardo. “Kaya tiyak na tiyak, siya ang salarin, walang iba.”

At sa mga sumunod pang sandali, nagpatuloy sa pagbabalik sa alaala ni Mang Edgardo ang karumal-dumal na krimen. Pinaulanan ng bala ng ilang kalalakiha­nangkanila­ngbahay at dahil gawa sa kawayan ang dingding, lagpasan-lagpasan ang mga balang naging ugat ng kamatayan ng mga mahal niya sa buhay.

Masasabing masuwerte si Mang Edgardo dahil wala sa bahay nila nang maganap ang krimeng tiyak niyang hindi lang papatay sa mag-ina niya, kung hindi pati sa kaniya.

Tinangka niyang magsampa ng reklamo ngunit sa pulisya pa lang, dama na niya ang impluwensy­a at kapangyari­han ng taong nasa likod ng krimen kaya hindi na niya ipinagpatu­loy. At kahit labag sa kalooban, sinunod ni Mang Edgardo ang payo ng kababata at matalik na kaibigang si Mang Daniel na hayaan na lamang na Diyos ang magparusa sa salarin.

“Pare, baka madamay ka, kung itutuloy mo ang pagsasampa ng kaso kay Don Andres,” babala ni Mang Daniel. “At isa pa, suntok sa buwan ang gagawin mo dahil maimpluwen­sya at makapangya­rihan ang taong babanggain mo.”

“Pero, sobra-sobrang kasalanan ang ginawa nila sa akin, pare,” sagot niya sa matalik na kaibigan at kababata. “Karumal-dumal na krimeng dapat magkaroon ng katarungan!”

“Tama ka pare, ngunit kung ngayon mo gagawin ang binabalak mo, mamamatay ka at mawawalan ng pagkakatao­n sa minimithi mong katarungan,” sagot sa kanya ni Mang Daniel.

“Pakikingga­n ko ang payo mo, pare,” sagot niya. “Pero tiyak, may tamang panahon sa minimithi kong katarungan.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines