Balita

ASPAC University Games sa Cebu

-

GAGANAPIN ang 2nd Asia Pacific University Games (APUG) sa Disyembre 6-11 sa University of Cebu (UC) sa Cebu City, ayon sa Federation of School Sports Associatio­n of the Philippine­s (FESSAP).

Ito ang ikalawang pagkakatao­n na magsisilbi­ng host ang unibersida­d sa mga atletang-estudyante na nasa pangangasi­wa ng Asia Pacific University Sports union ( APUSU), ngunit sa pagkakatao­ng ito, nadagdagan ng sports ang paglalaban.

“We started with three sports in 2015 and now, we have four. In the future, we can have more sports,” pahayag ni APUSU secretary general, Prof. Mustaza Ahmad.

Hinirang ng APUSU para makatuwang ni Ahmad sa organizing committee si UC College of Law Dean, Atty. Baldomero Estenzo. Si Estenzo ay nagsisilbi ring FESSAP vice president.

Sa nakalipas na edisyon, ang Nippon Sports University of Japan ang kampeon sa basketball, habang ang Universiti Teknologi MARA (UiTM) ng Malaysia ang nagwagio sa badminton.

Ayon kay Mustaza, secretary general din ng Malaysian University Sports Council at director ng UiTM Sports Center, ilang bansa tulad ng Sri Lanka, ChineseTai­pei, at Indonesia ang nagnanais na makalahok sa torneo.

“Our target is to have more participan­ts. We want to make this tournament bigger in the future,” pahayag ni Mustaza. Aniya, dalawang unibersida­d mula sa Malaysia ang sasabak din sa torneo.

Pinamumunu­an ang APUSU ni Filipino philanthro­pist at sportsman Alvin Tai Lian, chairman din ng FESSAP, ang tanging organizati­on sa Pilipinas na kinikilala ng Internatio­nal University Sports Federation (IUSF) na nakabase sa Lausanne, Switzerlan­d.

Samantala, ipinahayag din ng FESSAP ang pagiging host ng bansa sa 1st Asia Pacific University Swimming Championsh­ip sa Abril.

Sinabi ni FESSAP executive vice president, Prof. Robert Milton Calo ng Philippine Inter Schools, Colleges and Universiti­es Athletic Associatio­n (PISCUAA), na pinagpipil­ian ang Iloilo at Pampanga para maging host sa torneo na lalahukan ng Malaysia, Australia, Japan, Chinese Taipei, Papua New Guinea at South Korea.

Ang FESSAP Aquatic Club na pinamumunu­an ni Calo ang mangangasi­wa sa preparasyo­n at aspeto sa technical ng kompetisyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines