Balita

KAPIT PA! Marivic Awitan

JRU Bombers at Letran Knights, tumibay sa Final Four

-

NAPATATAG ng Jose Rizal University at Letran ang katayuan para sa nalalabing dalawang slots sa Final Four sa magkahiwal­ay na panalo kahapon sa pagpapatul­oy ng second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan Arena.

Inilampaso ng Heavy Bombers ang University of Perpetual Altas, 8552, habang nanaig ang Letran sa sibak ng Emilio Aquinaldo College, 84-78, para makopo ang No.3 at No.4 slots sa kasalukuya­n labanan sa Final Four.

Tangan ng walang talong Lyceum of the Philippine­s (14-0) at San Beda College (13-1) ang top two spot sa Final Four at ang kaakibat na twice-to-beat advantage sa playoffs.

Hawak ang 8-6 at 8-7 karta, bahagyang nakalalama­ng ang Jose Rizal at Letran sa naghahabol ding San Sebastian College (7-6). Bagsak na rin ang EAC sa 6-9.

Mainit ang naging simula ng Heavy Bombers, sa pangunguna ni Mark de la Virgen, para sa 17-5 bentahe. Hindi na nagpatumpi­k-tumpik ang Bombers at tuluyang nakontrol ang laro hanggang sa final buzzer.

Bagama’t umangat sa solong ikatlong puwesto, wala pang dahilan upang magsaya ayon kay coach Vergel Meneses.

Dahil dito, itinuturin­g niyang krusyal ang mga susunod nilang laban na dapat nilang paghandaam kabilang na ang susunod na laro kontra sa sinak na ring St. Benilde Blazers.

Tumapos si de la Virgen na may 18puntos gayundin si Abdel Poutouchi para pangunahan ang JRU habang nag -iisang nagtala ng double digit para sa Altas si Prince Eze na may 23-puntos.

“It’s just one win. We need to win more to make it to the Final Four,” pahayag ni Meneses.

Nanguna sa Altas si Nigerian Prince Eze sa natipang 23 puntos at 20 rebounds at tatlong blocks.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines