Balita

ALIS D’YAN!

Ombudsman execs vs Duterte inireklamo ng graft

- Ni GENALYN D. KABILING May ulat nina Czarina Nicole O. Ong, Rommel P. Tabbad, at Leonel M. Abasola

Nahaharap si Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang sa dalawang reklamong administra­tibo kaugnay ng umano’y mali at ilegal na paglalanta­d niya sa sinasabing bank records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa unang reklamong administra­tibo na inihain sa Office of the President, hiniling ng mga abogadong sina Manuelito Luna at Eligio Mallari ang pag-alis sa puwesto kay Carandang dahil umano sa graft at betrayal of public trust. Bukod kay Carandang, akusado rin sa nabanggit na kaso si Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman at ang mga miyembro ng fact- finding investigat­ion unit ng Office of the Ombudsman-Mindanao.

Ang ikalawang reklamo laban kay Carandang ay inihain naman ng mga dating kongresist­a na sina Jacinto Paras at Glenn Chong.

Ipinaghara­p ng patung-patong na reklamo si Carandang matapos siyang batikusin ni Pangulong Duterte sa umano’y pamemeke at ilegal na pagkuha ng mga ebidensiya laban dito.

‘BIASED AGAINST THE PRESIDENT’

Si Carandang ang namumuno sa imbestigas­yon sa sinasabing tagong yaman ni Duterte, batay sa reklamong inihain ni Senator Antonio Trillanes IV. Una nang sinabi ni Carandang na nakuha niya ang mga bank informatio­n ng Pangulo mula sa Anti-Money Laundering Council ( AMLC), subalit itinanggi ito ng huli.

Iginiit pa nina Luna at Mallari na si Carandang “[ has] blindly sided with Sen. Antonio Trillanes IV and is biased against the President.”

Giit pa nila, dapat na mapatalsik sa puwesto ang mga miyembro ng Ombudsman investigat­ing team dahil sa gross misconduct sa umano’y ilegal na pagkakaroo­n ng bank records at documents.

“Carandang and Elman should be held administra­tively liable and meted the penalty of removal from office. As for the members of the Fact-Finding Investigat­ion Team/ Field Investigat­ion Unit, Office of the Ombudsman-Mindanao, they, too, should bear the consequenc­es of their acts and suffer the penalty of dismissal,” saad sa reklamo.

Makalipas ang ilang oras, naghain naman sina Paras at Chong ng mga reklamong grave misconduct, gross dishonesty, at gross negligence constituti­ng betrayal of public trust laban kay Carandang dahil sa “malicious disclosure­s of falsified bank records of the President and his family”.

Alinsunod sa RA 6770 (Ombudsman Act of 1989), may kapangyari­han ang Presidente na alisin sa puwesto ang isang Deputy Ombudsman at ang special prosecutor sa paglabag sa Konstitusy­on, treason, bribery, graft at corruption, at betrayal of public trust.

Una nang nagbanta ang Pangulo na magtatatag siya ng komisyon upang imbestigah­an ang aniya’y nangyayari­ng kurapsiyon sa Office of the Ombudsman.

Kasunod nito, hinamon pa niya sina Ombudsman Conchita Carpio- Morales at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sabay-sabay silang magresign.

‘DI MAGRE-RESIGN

Kahapon, tumanggi si Morales na patulan ang hamon ni Duterte. Sa pahayag ng Office of the Ombudsman sa Facebook, sinabi ni Morales: “I will not be baited into abandoning my constituti­onal duties. If the President has charges against me, I am prepared to answer the charges against him in the same manner.”

Dagdag pa ni Morales, sila ay mga public official na “[have] sworn to uphold the rule of law”, kaya dapat na tuparin nila ang kani-kanilang tungkulin nang may “honor, honesty, and decency”.

Para naman kay Atty. Tony Laviña, dating dean ng Ateneo School of Government, may “chilling effect” sa pamamalaka­d sa pamahalaan ang banta ni Duterte kay Morales na hindi ito makikipagt­ulungan sa imbestigas­yon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y itinatagon­g yaman nito.

‘DI PUWEDENG IMBESTIGAH­AN?

“Your words ( as president) actually have a chilling effect. That for me is what’s problemati­c in what the President said because that was tantamount to saying, ‘I am above the law. I’m above your jurisdicti­on. You can’t investigat­e me’,” paliwanag ni Laviña sa isang panayam sa telebisyon.

Nilinaw din ni Laviña na walang kapangyari­han ang presidente na lumikha ng factfindin­g body na sisiyasat sa isang independen­t office, katulad ng Ombudsman.

Kaugnay nito, nababahala naman ang mga senador mula sa Liberal Party ( LP) sa mga pagbabanta ng administra­syon sa Office of the Ombudsman at Korte Suprema.

“These attacks on our democratic institutio­ns are alarming and unproducti­ve. Independen­t and unbiased institutio­ns should not be attacked but encouraged,” sabi ni Sen. Bam Aquino.

Nanawagan din si Sen. Kiko Pangilinan, LP president, sa Pangulo na ikonsidera ang una nitong pahayag na hindi makikipagt­ulungan sa imbestigas­yon ng Ombudsman.

 ??  ?? Carandang
Carandang

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines