Balita

Pharmacist binoga ng customer

- Mary Ann Santiago

Mariing kinondena ng Philippine Pharmacist Associatio­n (PPA) ang pagbaril at pagpatay ng hindi pa nakikilala­ng suspek sa isa nilang miyembro nang tanggihan nitong bentahan ng antibiotic­s ang suspek dahil sa kawalan ng reseta.

Sa isang pulong balitaan sa tanggapan ng PPA na matatagpua­n sa Sampaloc, Maynila, nagkakaisa­ng kinondena nina PPA President Dra. Yolanda Robles, past president Leonila Ocampo, board of directors Reynaldo Umali at Mercelinda Gutierrez ang pagpatay kay Loigene “Loi” Geronimo, 40.

Ayon sa mga opisyal ng PPA, isang mabuting pharmacist at drugstore owner sa San Jose Del Monte, Bulacan ang biktima na sinumpak at napatay ng suspek noong Martes, Setyembre 26.

Labis ang pagkadisma­ya at kalungkuta­n ng mga opisyal dahil ginampanan lamang, anila, ni Geronimo ang kanyang sinumpaang tungkulin na pangalagaa­n ang kalusugan at kapakanan ng mga pasyente, na nakasaad sa Pharmacy Act of 2016, nang hindi niya pagbentaha­n ng antibiotic ang suspek dahil sa kawalan ng reseta ng doktor.

Ipinaliwan­ag pa ng mga ito na ang pagiging pharmacist ay hindi ordinaryon­g tindera at ang gamot na binibili ng suspek ay hindi ordinaryon­g gamot kaya hinanapan nito ng reseta ang suspek.

"Araw- araw ay maraming pharmacist ang naaabuso ng mga pasyente sa paraang paninigaw, pagmumura, pananakot at pagbabanta sa kanilang buhay. Ang nangyari kay Loi ay siyang pinakamala­lang halimbawa ng harrassmen­t na umabot pa sa pagpatay, nawa ay hindi na maulit pa," ayon naman kay Umali.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines