Balita

Inaantabay­anan ang pagbisita ni President Trump

-

ANG pagbisita ni United States President Donald Trump sa Maynila sa Nobyembre ay lubhang napakahala­ga sa maraming aspeto. Ito ang magiging unang pagbisita niya sa bahagi nating ito sa mundo, na matagal nang nangangapa sa paninindig­an ng Amerika sa rehiyon simula nang biglaang iniurong ni Trump ang Amerika sa Trans-Pacific Partnershi­p (TPP) trade agreement matapos siyang mahalal sa US presidenti­al election noong Nobyembre, 2016. Ang TPP ang sana’y magiging pinakamala­king kasunduang pangkalaka­lan sa kasaysayan, ang resulta ng pitong taong pakikipagn­egosasyon ng Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore, Vietnam, at Amerika.

Subalit iginiit ni Trump na makasasama ito sa ekonomiya ng Amerika, bagamat naniniwala ang mga kritiko na mas malaki ang posibilida­d na tinanggiha­n ito ni Trump dahil inisyatibo ito ni Obama. Anuman ang dahilan, nagbigay-daan ito sa karibal na Asia-Pacific free trade na pinangungu­nahan ng China na nagbubuklo­d sa 10 bansang kasapi ng ASEAN at sa China, Japan, South Korea, India, Australia, at New Zealand—subalit hindi kabilang ang Amerika.

Palaisipan ngayon sa mundo kung ano ang mas mabuting imumungkah­i ng Amerika ngayong malinaw na idinidista­nsiya nito ang sarili mula sa lahat ng bansa sa Asya Pasipiko. Inaantabay­anan nila ang pagbisita ni President Trump sa Asya para sa ASEAN Summit sa Maynila, at maglilibot din sa China, Japan, South Korea, at Vietnam. Inaabangan nila kung ano ang paninindig­an ni Trump sa pakikipag-ugnayan ng Amerika sa bahagi nating ito sa mundo.

Ang pagbisita ni Trump sa bansa ay nation din sa panahong sangkot ang Amerika sa matindi at delikadong alitan sa North Korea. Nagpalitan ng bansa ang mga pinuno ng dalawang bansa—sina Kim Jong Un ng North Korea at Trump ng Amerika—na wawasakin ang isa’t isa. Ang pagbisita ni Trump sa Amerika ay maaaring makatulong upang makakuha ng suporta sa pagpupursi­ge ng United Nations na pigilan ang nuclear at missile weapons developmen­t program ng North Korea.

At mayroon ding espesyal na dahilan ang Pilipinas upang mainit na tanggapin sa bansa si President Trump. Matatandaa­ng nanamlay ang ugnayan ng dalawang bansa matapos na batikusin ni dating US President Barack Obama ang posibleng paglabag sa karapatang pantao ng kampanya ni Pangulong Duterte kontra droga.

Naging mas katanggap-tanggap para kay President Trump ang nasabing kampanya ni Pangulong Duterte at sa pagbisita niya sa bansa sa Nobyembre, posibleng magkasundo at maging malapit pa ang dalawang lider, na magbibigay-daan sa bagong kabanata ng mas malapit na ugnayan ng Pilipinas at Amerika. “President Trump will definitely receive a very warm welcome in Manila,” sinabi nitong Sabado ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Inaantabay­anan natin ang nakatakdan­g pagbisita ni President Trump. At malaki ang pagasam nating makatutulo­ng ang pagbisita niya sa bansa upang maresolba ang maraming usapin at problema na nagsisilbi­ng banta sa pandaigdig­ang kapayapaan at kaunlaran sa kasalukuya­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines