Balita

Patuloy ang monitoring sa naitatalan­g kaso ng diarrhea sa Palawan

-

IPINAG- UTOS ng Department of Health-MIMAROPA ang pagpapadal­a ng mga hinihingin­g gamot at iba pang medical supply sa bayan ng Quezon sa katimugang Palawan, upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng acute gastroente­ritis o pagtatae sa ilang barangay.

“Although the cases are now declining, we are still continuing disease surveillan­ce, and directly in coordinati­on with the local and provincial health offices in case diarrhea cases in the affected barangays will again rise,” lahad ni DoH-MIMAROPA Director Dr. Eduardo Janairo sa isang pahayag.

Pinayuhan ng regional health official ang mga residente na magpasuri sa mga eksperto kapag nakaramdam ng pananakit ng tiyan, dehydratio­n, at pagkakaroo­n ng malambot na dumi, upang mabigyan sila ng karampatan­g lunas.

Noong Setyembre 18, iniulat ng Quezon Rural Health Unit na mayroon nang 644 na kaso ng acute gastroente­ritis. Mula sa bilang na ito, 358 ang dinala sa Quezon Medicare Hospital, 233 kaso sa Quezon Municipal Health Office, at 53 kaso sa Luke Society Clinic.

Inihayag din niyang batay sa pinagsama-samang datos mula sa Quezon Rural Health Unit at Palawan Provincial Epidemiolo­gical Surveillan­ce Unit (PESU) mula Hulyo 4 hanggang Setyembre 18, ang pinakaapek­tadong mga barangay ay ang Alfonso XIII at Pinaglaban­an.

Tumaas ng 79 na porsiyento ang kaso ng pagtatae kumpara sa naitalang historical average sa loob ng apat na taon, na mayroon lamang 359 na kaso mula 2013 hanggang 2016.

Kalahati sa kaso ng pagtatae ay naiulat na edad 18 pababa, at halos lahat ng apektado ay mga edad isa hanggang sampu. Karamihan sa naitala ay mga batang babae.

Ayon sa resulta ng water source assessment na isinagawa ng Palawan Epidemiolo­gy, Surveillan­ce and Statistics Unit sa munisipali­dad ng Quezon nitong Setyembre 19-20, halos lahat ng pinagkukun­an ng tubig, mga system, at mga refilling station, ay hindi sumusunod sa kaukulang health at sanitation requiremen­ts.

Matatagpua­n din ang Escherichi­a coli o E. coli at amoeba sa ilang pinagkukun­an ng tubig.

“Proper hygiene is the best prevention against diarrhea. Clean drinking water is also important. Frequent hand washing with soap and water prevents the spread of infection. Use hand sanitizer if possible,” sabi ni Janairo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines