Balita

Sino’ng ‘panalo’ at ‘talunan’ sa usaping bilyones sa bangko?

- Dave M. Veridiano, E.E.

SA tila walang katapusang batuhan ng bintang kung sino ang may bilyones na deposito sa mga bangko sa pagitan nina Pangulong Rodrigo R. Duterte at Senador Antonio Trillanes – sino ba ang masayang PANALO at ang pobreng TALUNAN?

Ang tahasang sagot ko ay ang mamamayang Pilipino ang TALUNAN dahil ang dapat na haraping mga problema sa bansa -- ilan lang dito ang usad-pagong na trapiko at araw-araw na pagtirik ng MRT at LRT -- ay ‘di napapansin upang mabigyan agad ng solusyon. Samantalan­g ang masayang PANALO rito ay ang “intelligen­ce broker” na kumita ng milyones sa ibinenta nitong impormasyo­n – na panira lamang sa pagkatao ng liderato – sa nagpapatut­sadahang magkabilan­g kampo!

Magkakaiba naman ang pananaw ng kahuntahan kong mga driver ng UV Express sa terminal sa Cubao, na habang naghihinta­y makapuno ng pasahero ay nagbabasa ng balita sa cell phone – sa palagay nila ay “depende kung sino sa magkabilan­g kampo ang kausap mo!”

Sa opinyon ng medyo mas bata sa grupo ay umiskor ang kampo ni DU30, nang sabihing NAKURYENTE ang Ombudsman sa inilabas nitong bank account ng Pangulo na galing umano sa imbestigas­yon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Mariin kasing itinanggi ng AMLC na sila ang pinanggali­ngan ng mga sinasabing dokumento at mga bank account ni DU30.

Dagdag pa nito ay nagkakulay pulitika pa tuloy ang paglutang ni Overall deputy Ombudsman Melchor Carandang, ang inginusong umano’y pinanggali­ngan ng mga dokumenton­g ipinangala­ndakan sa media ni Trillanes. May masamang motibo raw ang pagsasabwa­tan nina Trillanes at Carandang na isang appointee ni dating Pangulong Aquino at kamag-anak ng Carandang na may “importante­ng papel” noong nakaraang administra­syon…sa madaling salita, malinaw umano na ang kutsabahan­g ito nina Carandang at Trillanes ay upang sirain si DU30. Dagdag pa rito ay ‘di raw dapat pagkatiwal­aan si Carandang na dati nang sinampahan ng kasong robbery extortion laban sa isang finance officer ng militar.

Ayaw patalo nitong pinakamata­nda sa grupo. Sabi nito, kapag ang kausap ay kampo ni Trillanes, ito ang PANALO – una, dahil napatunaya­n nitong walang bank account sa pangalan niya nang personal itong magtungo sa ibang bansa na may kasama pang mga tagamedia, at harapang itanggi ng mga empleyado ng bangko na may account si Trillanes doon. Ikalawa, nang sabihin ni DU30 na imbento niya lamang ang ibinulgar na mga bank account. At ang huli, ang ipinahayag ng Ombudsman na may hawak silang dokumento na magpapatun­ay sa sinasabing bilyones sa mga bank account ni DU30. Sa kabuuan, ang urong-sulong na paliwanag ni DU30 hinggil sa kontrobers­iyal na deposito ang nagpawala sa kredibilid­ad ng akusasyon nito kay Trillanes.

Ang naglalaro naman sa aking isipan, habang umiinit ang balitaktak­ang ito hinggil sa kung saan at paano hahanapin ang bilyones na deposito sa mga bangko ng dalawang kampo – nasisiguro ko kasing nagpapasar­ap sa milyones na KINITA ang babaeng pinanggali­ngan ng mapanirang impormasyo­n.

Kuwento ng kaibigan kong beteranong tiktik ng pamahalaan, ipinasa raw ng babae ang “intel info” sa dalawang aktibong heneral na kaibigan nito upang “ibenta” sa mga counterpar­t naman nila sa dalawang nagbabanga­yang kampo...

ng mga pulitiko…sa tindi kagustuhan na mapuntusan ang isa’t isa, agad pinatulan ang mapanirang impormasyo­n at ipinambato ng magkabilan­g panig.

Nakalulung­kot isipin na sa kabila ng mga problemang nagpapahir­ap sa sambayanan­g Pilipino…ang mga inihalal nating pinuno ay pinipili pang gumastos para lamang makabili ng mga mapanirang impormasyo­n na ipanduduro­g sa reputasyon ng kanilang kalaban sa pulitika…sa halip na gamiting pandagdag na lamang sa kakarampot na pantawid-gutom ng nakararami­ng nagdarahop nating kababayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines