Balita

Tiwali at traidor na larawan

- Celo Lagmay

MISTULANG ipinatatan­ggal ni Pangulong Duterte ang litrato ng mga halal o itinalagan­g opisyal ng pamahalaan – kabilang na ang sarili niyang larawan – sa lahat ng tanggapan ng gobyerno. Ipapalit sa mga ito ang larawan ng mga bayani na sinasabing namuhunan ng dugo at buhay sa pagtatangg­ol ng ating kasarinlan. Nangangahu­lugan kaya ito ng pag-aalis ng karapatan ng mga pulitiko na maisabit ang kanilang mga litrato sa naturang mga tanggapan?

Sa Memorandum Circular (MC) No. 25 na nilagdaan ng Pangulo, inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan – unibersida­d, kolehiyo at iba pang paaralan, kabilang ang iba pang korporasyo­n na pag-aari at kontrolado ng gobyerno – na magsabit ng litrato ng mga bayaning Pilipino na kinikilala ng National Historical Commission of the Philippine­s (NHCP). Kabilang sa mga ito sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, at iba pa. Lumilitaw na ang kanilang mga larawan lamang, kabilang ang iba pang visual representa­tions tungkol sa kanilang buhay, ang karapat-dapat isabit sa nabanggit na mga tanggapan.

Naniniwala ako na ang pagsasabit ng larawan ng ating mga bayani sa nabanggit na mga tanggapan ay magpapaala­b sa pagkamakab­ayan na ikinintal sa ating utak ng ating mga bayani. Bahagi ito ng tungkulin ng estado upang laging manariwa ang kasaysayan at kulturang ipinamana ng ating mga bayani.

Sa bahaging ito ay maitatanon­g: hindi ba ang larawan ng ating mga pulitiko at iba pang hinirang na lingkod- bayan na nagsulong ng mga kaunlarang pangkabuha­yan para sa ating kapakanan ay dapat din nating masilayan sa pinaglingk­uran nilang mga tanggapan? Hindi ba sila, katulad ng ating mga bayani, ay naging bahagi rin ng mga pagbabagon­g kapwa nagpapahal­aga sa pagkamakab­ayan ng lahing Pilipino? Bakit kailangang mistulang ipagbawal ang pagsasabit ng kanilang mga larawan?

Maaaring may lohika ang pananaw ng Pangulo hinggil dito nang kanyang ipahiwatig: Gusto ko ‘yong mga hero natin ma-emulate ng mga bata. Eh, ‘yung iba...

diyan sa picture limang beses na dumaan sa graft and corruption case.” Ibig sabihin, talagang hindi dapat isabit ang retrato ng mga tiwaling opisyal sa mga tanggapan ng gobyerno.

May ganito rin kayang mga pananaw hinggil sa ating mga bayani? Hindi ba may mga sapantaha na ang ilan sa kanila ay idinawit din sa iba’t ibang alingasnga­s at karumal-dumal na pagpatay sa kanilang panahon?

Sa anu’t anuman, nais kong maniwala na hindi na dapat magsabit ng anumang larawan sa nabanggit na tanggapan kung ang mga ito ay nababahira­n naman ng mga katiwalian at pagkatraid­or sa kapwa at sa bayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines