Balita

Ne 2:1-8 ● Slm 137 ● Lc 9:57-62

-

Samantalan­g naglalakad sila, may taong nagsabi kay Jesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Jesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahin­gahan.” Sinabi ni Jesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ipaubayamo na sa mga patay ang paglilibin­g ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaala­m muna ako sa aking kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” PAGSASADIW­A:

Susunod po ako sa inyo… ngunit… —Sa sinabi ng una at sa naging tugon ni Jesus, inilalaraw­an ang isang uri ng pagsunod na ang hinahanap ay ang katiwasaya­n sa buhay at sa kabilang banda naman ay ang hindi tiyak na katayuan ni Jesus sa buhay na ito na salat sa maraming bagay.

Sa ikalawa namang paglalaraw­an, nais ituro sa atin ni Jesus na hindi masama ang pagtupad sa ating mga pananaguta­n sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit ang ating pananaguta­n sa Diyos ay nakahihigi­t sa anumang pananaguta­n na mayroon tayo sa ating pamilya o sa sinumang tao.

Sa ikatlong tauhan, ipinahayag ni Jesus na wala ring saysay ang pagsunod natin sa kanya kung palagi tayong “lingon ng lingon” at may panghihina­yang sa mga bagay na iniwan na natin para sa kanya.

Malamang bumalik lang sa dating pamumuhay kapag ganito ang naging ugali. Hinihingi ng tunay na pagsunod kay Jesus ang matibay at ganap na pagpapasya­ng tumalikod sa mga bagay na makamundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines