Balita

Janine at Rayver, maraming boto para sa isa’t isa

- Ni REGGEE BONOAN

MUKHANG marami ang boto na maging magkasinta­han sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez. Kaliwa’t kanan ang natatangga­p naming mensahe tungkol sa kanila at kinikilig sila sa mga nabasa nila sa IG post ng aktor nu’ng Star Magic Ball.

Sinilip namin ang post ni Rayver at nakakatuwa ang larawan nila ni Janine na halos magkayakap na may caption na, “Thank you for making my Star Magic ball extra memorable and special” na umabot sa 30k likes at 247 comments na karamihan ay nagsasabin­g bagay na bagay silang dalawa.

May larawan din sila nang magdiwang si Janine ng kaarawan sa Bali, Indonesia, magkatabi silang nakaupo sa tabi ng pool ng isang hotel, naka- shorts at sando ang aktor samantalan­g naka-blue skirt at blouse naman ang dalaga at nakasandal sa binata na may caption na, “Happy Birthday, Nini (palayaw ng aktres).

“Feeling namin MU (mutual understand­ing) na po sila. Kasi lagi naman silang magkasama kapag wala silang work. Madalas si Rayver kina Janine at ipinakilal­a na siya sa family niya at okay naman si Rayver po sa kanila,” kuw ayaw magpabangg­it ang name.

Sabi ng isang tagahanga ng dalawa, “Baka nga po totoo ang sinulat ninyo na sa Balsasagut­in ni Janine si Rayver.”

“Sana sila na talaga forever kasi perfect couple sila, pareho silang mabait, magalang at mapagmahal sa magulang kay naniniwala kaming bagay sila,” sabi naman ng taong malapit sa dalawa.

Magaganda rin ang komento sa kanila ng kapwa nila artista.

Parang pressure naman kina Rayver at Janine ang mga taong nakapaligi­d sa kanila na maging ‘sila’ na.

 ??  ?? Rayver at Janine
Rayver at Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines