Balita

Zsa Zsa at Condrad Onglao, nagkabalik­an sa mall

- Ni NORA CALDERON

SA kahilingan ng entertainm­ent press na kaharap ni Zsa Zsa Padilla, bago ginanap ang grand presscon ng Bes and the Beshies sa Le Reve Pool Party Venue, hinayaan ng singer-actress na makunan ng picture ang kanyang left hand na suot ang 3-karat emerald-cut flat diamond engagement ring from her boyfriend, Architect Conrad Onglao.

Naging open na si Zsa Zsa sa pagsagot sa mga tanong, na isa siyempre ang wala pang detalyeng pagkabalik­an nila ng boyfriend.

“Nakakatawa nga kasi, bigla lang kaming nagkasalub­ong sa mall at nag-try akong iwasan siya pero hinarang-harang niya ako at nagpasya na rin akong makipag-usap sa kanya,” kuwento ni Zsa Zsa. “Noong una, hindi ko alam ang gagawin ko kasi naiisip ko kung ano ang sasabihin ng family and friends ko. But that time, nagkaroon na ako ng healing session after kaming naghiwalay for six months. First time ko ring bumalik sa dati kong boyfriend. At after naming nag- usap, nagpasya na rin akong makipagbal­ikan sa kanya. At ibinalik na rin niya itong engagement ring na isinoli ko sa kanya noon.”

Balitang sa Italy sila magpapakas­al ni Conrad, uso raw kasi ngayon ang destinatio­n wedding.

“Not true. Lagi ko ngang sagot sa nagtatanon­g kung kailan kami magpapakas­al, hindi na, magtatanan na lang kami. Yes, ganoon na lang ang balak namin. Siguro, kasama namin ang mga anak namin kung saan man namin gustong magpakasal, hindi na sa church, civil wedding siguro. Then pagbalik namin dito, saka kami magbibigay ng party for our family, friends and entertainm­ent press.”

Umayon naman si Ai Ai delas Alas, na kasama niya sa movie, sa desisyon na ito nina Zsa Zsa at Conrad.

“Oo, sa hirap ng pinagdaana­n namin ng boyfriend ko, si Gerald, na hirap sa paglalakad ng papers para sa wedding namin, hindi ka na makakaisip makipaghiw­alay ‘ tapos ay makikipagb­alikan o mag-aasawa muli,” sabi ni Ai Ai.

Sa ngayon, wala pang exact wedding date sina Zsa Zsa at Conrad.

Biniro rin ng mga katoto si Zsa Zsa kung hindi pa ba siya naiinip na magkaroon ng apo. Wala pa kasing anak si Karylle. Ang anak niyang si Zia Quizon bagamat boyfriend si Robin Nievera ay hindi pa naman kasal, at single naman ang isa pa niyang anak na si Nicole Quizon.

“Inip na inip na nga ako, sabi ko gusto ko nang magkaapo para may tumawag na sa akin ng lola. Hindi na rin naman ako p’wedeng magkaanak,” natatawang sagot ng 53-year old singer-actress.

Apat na magkakaibi­gan sina Charla (Ai Ai), Mabel (Zsa Zsa), Tisay ( Carmi Martin) at Sophie ( Beauty Gonzales) sa Bes and the Beshies.

“Masaya ang shooting namin under Joel Lamangan at noong una medyo nahirapan ako sa role ko na martir na asawa, speaking in Visayan dialect. Sa aming apat, ako lang iyong nagmi-memorize ng script dahil nga sa dialogue ko, pero later on, nasanay na rin ako. I just hope magustuhan ng mga manonood ang aming movie.”

Ang Bes and the Beshies ay sinulat ni Ricky Lee kasama sina Alpha Habon at Rod Marmol, produced by CineKo, iri- release ng Regal Entertainm­ent sa October 18, at may premiere night sa October 17.

 ??  ?? Zsa Zsa
Zsa Zsa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines