Balita

Rafa Siguion-Reyna, sumabak sa ‘Maynila... Sa mga Kuko ng Liwanag’

- Ni MELL T. NAVARRO

ANG critically- acclaimed na Maynila… Sa mga Kuko ng Liwanag, The Musical ay musical tribute ni Joel Lamangan sa kanyang mentor na si Lino Brocka.

Hango ang dula mula sa iconic novel ni Edgardo M. Reyes, at inspired ng classic film ni Brocka na hinalaw rin sa naturang nobela.

Isa si Rafa Siguion-Reyna -anak nina Direk Carlos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza (at apo ni Armida Siguion-Reyna) -- sa powerhouse cast ng pinag-uusapang theater event of the season. Rafa plays Imo, ang constructi­on worker na naghahanga­d ng mas magandang buhay, at ka-alternate niya si Joseph Puducay.

Ayon kay Rafa, malaking challenge at pride sa kanya ang pakikipagt­rabaho kay Joel Lamangan, gayundin sa kilalang dance choreograp­her na si Douglas Nierras.

“I feel like, ‘ pag nakatrabah­o o nadaaanan mo na ang isang Joel Lamangan at isang Douglas Nierras, kaya mo nang gawin lahat!” bulalas ni Rafa nang makausap namin.

Saan siya nahirapan sa Maynila… experience?

“Pinakanahi­rapan ako sa pag-retain ng stamina ko. Sa energy. The challenge on me in doing this play is ‘ yung sing and dance, in character ka dapat, the whole process of being Imo. And imagine, nasa gitna ka nina Direk Joel and Tito Douglas! Kaya kailangan mong ma-overcome ang kaba mo. It’s a great Filipino musical. Nasa bucket list ko ito ‘coz my lola is a classical singer, too.”

Papaano niya ilalarawan ang pakikipagt­rabaho kay Joel Lamangan?

“It was my first time to work with Direk Joel. Yes, naninigaw siya at kung minsan ay nakakapagm­ura, but he’s such a character. You can’t take it personally. Sabi niya lang, ‘It’s part of the game. It’s my job to make a good performanc­e for everyone. Napagalita­n niya rin ako sa rehearsals, pero for a good reason. Makikita rin dito ‘yung activist side of Direk Joel.

“Si Direk Joel, ‘pag pinapagali­tan ka, very charming pa rin siya. Sobrang nakakatawa ‘yung mga one liners niya! For example, sasabihin niya, ‘ Ano ba kayo, para kayong mga baklang trabahador! Lalaki dapat!’ or ‘Gumanda na ang Act 2, ang chaka naman ng Act 1!’

“Nakakatawa at nakakatuwa siya. Pagod na kami, pero dahil sa touch of humor ni Direk Joel, you will really get amazed. Hindi puwede sa kanya ang ‘ Puwede na ‘yan! Direk Joel and Tito Douglas really demand on a good performanc­e.”

Lead actors ang mahuhusay na si Arman Ferrer (bilang Julio Madriaga), alternatin­g as Ligaya Paraiso sina Sheila Valderrama-Martinez at Lara Maigue.

Kasama rin sina Dulce at Ima Castro (alternatin­g as Mrs. Cruz), Rita Daniella and Aicelle Santos (alternatin­g as Perla), Noel Rayos, Floyd Tena, Jim Pebanco, at marami pang iba.

Ongoing ang Maynila... Sa mga Kuko ng Liwanag sa Kia Theater, Cubao, Quezon City with last performanc­es on October 4, 5, and 6, produced by Grand Leisure Production­s.

 ??  ?? Rafa Sigiuon-Reyna
Rafa Sigiuon-Reyna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines