Balita

Gaga, Grande nanawagan ng mahigpit na gun control

-

HINIMOK nina Lady Gaga at Ariana Grande ang US leaders nitong Lunes na umaksiyon at paigtingin ang batas sa pagmamay-ari ng baril, kasunod ng mass shooting sa Las Vegas, bilang pagsasatin­ig ng kanilang pakabigla sa deadliest shooting sa modernong kasaysayan ng US.

Habang nagkokomen­to at nakikisimp­atya ang ibang celebrity pagkatapos ng pamamaril sa country music festival, ginamit ni Gaga ang kanyang social media power upang magbigay ng mensahe sa mga pulitiko.

“This is terrorism plain and simple. Terror bares (sic) no race, gender or religion. Democrats & Republican­s please unite now,” mensahe ng pop star sa kanyang mahigit na 71 milyong followers sa Twitter, na ang kanyang account ang ikapito sa mga pinakapopu­lar.

“Prayers are important but @SpeakerRya­n @realDonald­Trump blood is on the hands of those who have power to legislate. #GunControl act quickly,” saad niya.

Inimbitaha­n din ni Gaga ang kanyang fans na samahan siya sa live- streamed 20 minutes ng katahimika­n o pagdarasal “to connect us all through inner peace.”

Si Grande – na pinasabuga­n ang sariling concert sa Manchester noong Mayo, ng isang tagasuport­a ng Islamic State group, na kumitil ng 22 katao – ay nagpahayag na nakitaan niya ng kaunting pagkakaiba ang nangyari sa Las Vegas, na hindi tukoy kung ano ang motibo ng suspek.

“My heart is breaking for Las Vegas. We need love, unity, peace, gun control & for people to look at this & call this what it is - terrorism,” tweet ni Ariana.

 ??  ?? Lady Gaga
Lady Gaga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines