Balita

TAMBULISLI­S

- NI BOBBY V. VILLAGRACI­A R.V. VILLANUEVA

Ika-37 labas

“OO anak, matinis na hagikhik ang narinig naming ingay matapos ang ingay na nalilikha ng paa mo,” wika ni Mang Kardo. “At sa dinig ko, parangtuwa­ng-tuwa ang nilikhang gumagawa ng ingay na ‘yun!”

“Ano ho bang ginagawa ng paa ko?” Tanong ni Gary.

“Kung hindi ako nagkakamal­i, pumapadyak ng pumapadyak ang paa mo. At pagkatapos ng ingay na ito, susunod ang matinis na hagikhik natila likha ng maliit na nilikha,” paliwanag ni Mang Kardo.

“Anak, tiyak na kagagawan ng mga tambulisli­s ang narinig naming matitinis na hagikhik ng ama mo,” wika ni Aling Untang. “Pumasok dito sa kuwarto ang mga nilikhang ‘yun at biniro ka sa pagkiliti ng pagkiliti!”

“Anak, tiyak na ‘yun nga ang nangyari,” sang-ayon ni Mang Kardo. “Pinasok ang kuwarto mo ng mga tambulisli­s at kiniliti ka ng kiliti kaya pumadyak ng pumadyak ang paa mo!”

“Naniniwala ho ako sa sinabi ninyo,” wika ni Gary. “Tiyak hong pumasok dito ang mga tambulisli­s!”

“Buti pa anak, doon ka muna sa kuwarto namin matulog,” sagot ni Aling Untang. “Baka kapag nakatulog ka uli ng mahimbing, bumalik ang mga nilikhang ‘yun at biruin ka na naman!”

“Tama ang inay mo Gary,” sagot ni Mang Kardo. “Doon ka na matulog sa tabi namin para hindi ka mabalikan ng mga tambulisli­s!”

“Hindi na ho ako lilipat sa kuwarto ninyo,” sagot ni Gary. “Dito na lang ho ako sa kuwarto ko!”

Minsan pa, inulit nina Mang Kardo at Aling Untang ang babala sa anak nabaka bumalik ang mga tambulisli­s at muli siyang biruin sa pagkiliti ng pagkiliti. Ngunit tulad ng unang balak ni Gary, sinabi niya sa mga magulang na hindi siya aalis sa kaniyang kuwarto kahit bumalik ang mga nilikhang tiyak niyang pumasok doon. Labis na pagtataka at pagkagulat ang lumarawan sa mukha nina Mang Kardo at Aling Untang sa sinabi ng anak dahil noong bata, takot na takot sa mga nilikha. Mga nilikhang ang kuwento, patuloy na umiikot sa barangay nila sa simula’t-t-simula ng panahon, higit noong kagubatan pa ang malaking bahagi ng barangay Bayan-bayan

“Dito na lang ho ako sa kuwarto ko matutulog. Totoo pala ang kuwentong hindi nanakit ang tambulisli­s, binibiro lang ang mga tao sa pamamagita­n ng pagkiliti ng pagkiliti,” paliwanag ni Gary.

“Ibig mong sabihin, hindi ka na talaga natatakot sa mga nilikhang ‘yun?” Tanong ni Aling Untang.

“Hindi na ho,” sagot ni Gary. “Bakit naman ho ako matatakot kung bibiruin at kakalaruin lamang ng mga tambulisli­s?”

“Nakakapagt­aka naman,” wika ni Mang Kardo. “Noong malilit ka pa, takot na takot ka sa tambulisli­s at iba pang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an!”

“Kasi ho, nagkaroon na kami ng karanasan ni Arman sa mga tambulisli­s. At sa pangyayari ‘yun, napatunaya­n naming kaibigan talaga ang turing ng tambulisli­s sa tao,” paliwanag ni Gary.

At ikinuwento ni Gary sa magulang ang pakikipagl­aro sa kanila ng mga tambulisli­s na pinamumunu­an ni Malut. Ikinuwento rin niya kina Mang Kardo at Aling Untang na sinadya nilang hanapin ni Arman ang mga tambulisli­s para mapatunaya­ng totoo ang mga kuwentong nakikipagk­aibigan at nakikipagl­aro ang nilikha sa bata.

At dahil nakita at napatunaya­n nina Mang Kardo at Aling Untang na hindi na talaga natatakot sa tambulisli­ssi Gary, naniwala sila sa ikinukuwen­tong anak at pumayag ng muling igiit na doon matutulog sa sariling kuwarto. Idinagdag pa ni Gary na bukod sa kalaro, kaibigan na nila ni Arman ang mga tambulisli­s kaya tiyak na dadalawin sila para biruin at makipaglar­o, pangyayari­ng tiyak niyang naganap kahit hindi nakita ang mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines