Balita

Bolt, inisnab sa IAAF award

-

MONACO ( AP) — Hindi kabilang si Usain Bolt, tinanghal na IAAF world athlete of the year sa anim na pagkakatao­n, sa 10 kandidato para sa naturang parangal ngayong taon.

Pormal na ipinahayag ni Bolt, tanging sprinter na nagwagi ng gold medal sa 100m at 200m sa tatlong sunod na Olympics, ang pagreretir­o nitong Hulyo sa world championsh­ips sa London. Hawak niya ang world record na 9.58 segundo sa 100 at 19.19 segundo sa 200.

Hindi naging matamis ang pagreretir­o ni Bolt matapos matalo sa 100 sprint sa London at nagtamo ng injury sa hita nang tampukan ang Jamaica sa 4x100 meter relay team. Hindi na siya tumakbos a 200m.

Kabilang sa 10 nominado sina Mutaz Essa Barshim, Pawel Fajdek, Mo Farah, Sam Kendricks, Elijah Manangoi, Luvo Manyonga, Omar McLeod, Christian Taylor, Wayde van Niekerk at Johannes Vetter.

Napili naman sa women class sina Almaz Ayana, Anita Wlodarczyk, Maria Lasitskene, Hellen Obiri, Sally Pearson, Sandra Perkovic, Brittney Reese, Caster Semenya, Ekaterini Stefanidi at Nafissatou Thiam.

Ayon sa IAAF nitong Lunes (Martes sa Manila) ang pagpili sa finalists ay dadaan sa “three-way voting process.” Ang kalahating boto ay sa IAAF council, 25 poriyento sa IAAF member federation­s at committee members, at ang nalalabing 25 percentsa sa public vote sa social media.

Ipapahayag ang magwawagi sa Nov. 24.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines