Balita

Irving, pakitang-gilas sa Celts

-

BOSTON (AP) – Hindi binigo ni Kyrie Irving ang hinahangad ng Celtics fans.

Isinalpak ni Irving ang dunk mula sa assist ni Al Horford para kapanapana­bik na tagpo sa kanyang preseason debut sa Celtics, 94-82, kontra Charlotte Hornets nitong Lunes (Martes sa Manila).

Naglaro si Irving sa loob ng 19 na minuto, tampok ang anim na puntos sa first quarter tungo sa siyam puntos, apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals, habang kumubra ang bagong recruit ding si Gordon Hayward ng limang puntos.

Nanguna si Daniel Theis sa Celtics sa natipang 12 puntos.

Hataw sa Hornets si Jeremy Lam na may 17 puntos, habang nag-ambag sina Kemba Walker at Nicolas Batum ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Sa Memphis, ratsada si Marioa Chalmers sa naiskor na 19 puntos mula sa bench para sandigan ang Memphis Grizzlies kontra Orlando Magic, 9284.

Nanguna si Jonathan Isaac sa Orlando na may 15 puntos at kumana si Mario Hezonja ng 12 puntos..

Sa Oakland, California, nakahabol si Golden State Warriors coach Steve Kerr sa biyahe ng defending champion sa China matapos makuha ang na-delay na passport.

Ayon kay team spokesman Raymond Ridder, dumating si Kerr mula sa hiwalaw na flight nitong Martes sa Shenzhen, China.Matapos ang home preseason opener nitong Sabado, lalaro ang Warriors laban sa Minnesota sa China.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines