Balita

La Salle, magpapakat­atag sa Final Four

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 2 n.h. -- Adamson vs UP 4 n.h. -- UE vs La Salle

- Marivic Awitan

TARGET ng defending champion De La Salle na mapanatili ang kapit sa ikalawang puwesto, habang mag-uunahan ang Adamson University at University of the Philippine­s na makasalo sa ikaapat sa pagpapatul­oy ngayong hapon ng unang round ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Tatangkain ng Green Archers na makamit ang ikalimang tagumpay sa pagsagupa sa University of the East ganap na 4: 00 ng hapon pagkatapos ng tapatang Falcons at Fighting Maroons ganap na 2: 00 ng hapon.

Pinapabora­n ang Green Archers na hangad ang back -toback win pagkaraang makabawi noong nakaraang Sabado kontra University of Santo Tomas kasunod ng unang kabiguang natamo sa kamay ng UP.

Huling natalo ang Red Warriors noong nakaraang Linggo sa kamay ng Falcons kung saan walang anumang senyales na nabahala sa kanila ang nakatungga­li.

Inaasahang muling mamumuno para sa Green Archers ang malupit na depensa ng kanilang 22- anyos slotman na si Ben Mbala na sa unang pagkakatao­n ay di tumapos na may double double sa laban nila sa Tigers sa ipinoste nitong 29puntos at siyam na rebounds.

Makakatulo­ng naman niya sina Aljun Melecio, Kib Montalbo at Ricci Rivera.

Samantala sa unang laro, magtatangk­a naman ang Falcons na madugtunga­n ang naitalang back - to- back win ngayong season matapos ang malaking panalong ipinoste kontra Red Warriors sa pagtutuos nila ng Fighting Maroons na sisikapin namang bumangon sa kabiguang natamo sa kamay ng Far Eastern University kasunod ng kanilang upset win kontra Green Archers.

Kapwa may barahang 3- 2, unahang pumatas ang dalawang koponan sa ikatlong posisyon na kasalukuya­ng kinalulukl­ukan ng Tamaraws.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines