Balita

Katropa, lagas sa Kings

-

KUNG may nais patunayan ang Barangay Ginebra, buhay na saksi ang Talk ‘N Text Katropa.

Nadama ng Katropa ang lupit at determinas­yon ng Kings na maidepensa ang korona sa dominanten­g 121- 94 panalo nitong Lunes sa Game 1 ng kanilang best-of-five seme-final duel sa PBA Governors’ Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Isang malupit na paghihigan­ti rin ang ipinadama ng Kings sa Katropa na tumalo sa kanila sa 29 puntos na bentahe sa eliminatio­n round.

“They beat us up in the elims and we got them today, so Game Two is going to be exciting,” pahayag ni Gin Kings coach Tim Cone.

“On one hand, we’re happy we played like this. On other hand, we just filled their bag with a whole lot of motivation.”

Nakatakda ang Game Two ngayon sa Batangas City.

Hataw si Justine Brownlee sa naiskor na team-high 21 puntos, kabilang ang 15 sa final period, bukod sa walong boards, limang assists, tatlong steals, at isang block.

Nag-ambag si Joe Devance ng 19 puntos, habang kumana si Greg Slaughter ng 16 puntos, pitong rebounds at limang assists para sa Kings.

Nanguna si import Glen Rice Jr. sa Katropa sa naiskor na 26 puntos at 10 rebouds. Iskor: GINEBRA (121) – Brownlee 21, Devance 19, Slaughter 16, Caguioa 13, Tenorio 10, Aguilar J. 10, Cruz 10, Thompson 7, Mercado 7, Mariano 4, Taha 4, Helterbran­d 0, Aguilar R. 0

TNT (94) – Rice Jr. 26, Castro 16, Pogoy 12, Tautuaa 7, Carey 6, Nuyles 6, Rosario 5, Williams 5, Semerad 5, Hernandez 3, Reyes 2, Chua 1, Golla 0, Lingganay 0, Seigle 0

Quartersco­res: 31-22, 60-48, 95-75, 121-94

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines