Balita

Adamson vs FEU sa PVL s’finals

-

NAGWAGI ang Adamson University at Far Eastern University sa magkahiwal­ay na duwelo para maisaayos ang Final Four match up sa Premier Volleyball League ( PVL) Collegiate Conference.

Dinagit ng Lady Falcons ang San Beda College Lioness , 22-25, 25-23, 25-16, 21-25, 15-11, habang sinuwag ng FEU Lady Tamaraws ang Lyceum Lady Pirates, 18-25, 28-26, 25-15, 25-17, nitong Lunes sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Ely Soyud sa naiskor na 26 puntos tampok ang 21 spikes, tatlong blocks at dalawang service aces, habang nag-ambag sina Joy Dacoron at Chiara Permentill­a ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Naisalba ng Adamson ang laban sa kabila nang pagkawala ni top hitter Jema Gallanza sa injury.

Nakatakda ang Game 1 ng kanilang best-of-three semi-finals ngayon.

“The thing that was most frustratin­g about the match for the coaches is that we were not playing like we’re Adamson. They were like super relaxed, laziness mood going on in the court, they treating it like they weren’t being serious,” pahayag ni Adamson coach Air Padda.

“It’s like ‘I get it, I get it that win or lose we’re already in the semis’ but I didn’t want to leave the gym with that feeling. You’re only as good as your last touch on the ball,” aniya.

Nanguna sa San Beda si Cesca Racraquin sa naiskor na 18 puntos habang kumubra sina Satrriani Espiritu at Maria Jiezela Viray ng tig-10 puntos.

Nakopo naman ng Lady Tams, sa panguguna ni Toni Rose Basas sa naiskor na 21 puntos, ang ikaapat na panalo sa limang laro.

“Expect ko magdidikit talaga kasi non-bearing na ’to sa Lyceum, no pressure sa kanila pero sa amin turning point namin ito para sa semis,” sambit ni FEU coach George Pascua.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines