Balita

DSCPI Nat’l Championsh­ip sa Philsports

-

TAMPOK ang pinakamahu­husay na lokal dancers ang magpapakit­ang- gilas sa lalargang DanceSport Council of the Philippine­s (DSCPI) 21st DanceSport National Championsh­ip sa Sabado sa Philsports Multi-Purpose Arena (dating Ultra) sa Pasig City.

Ayon kay DSCPI President Becky Garcia, kabuuang 362 dance athletes mula sa ibalt ibang panig ng bansa ang makikipagt­agisan ng husay at galing sa torneo na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Flawless, Muebles Italiano, Retro DCG-FM 105.9, Studio 116 Dance School at The Greenery Bulacan.

Pangangasi­waan ang torneo ng pitong World DanceSport Federation licensed adjudicato­rs at Filipino WDSF licensed adjudicato­rs na sina Crisaldo Rendon at Julie Plummer at Philippine National Licensed Adjudicato­r Ronnie Steeve Vergara.

Samantala, pinarangal­an ni Garcia ang matagumpay na kampanya ng DanceSport Philippine Team sa nakalipas na 2017 Turkmenist­an Asian Indoor Martial Arts Games kung saan nagwagi ng silver medal sina Standard Couple German Enriquez at Ma. Danella Renee Publico, habang bronze ang tambalan nina Latin couple Gerald Jamili at Cherry Clarice Parcon.

Mabibili ang tikets sa DanceSport Training Center, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, gayundin sa gate entrance ng Philsports Multi-Purpose Arena (Ultra) .

Para sa karagdagan­g detalye, makipag-usap kay Anna o Lorien sa tel. blg. 637-2314.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines