Balita

‘DIGONG DIPLOMACY!’

PSC, pursigidon­g mapanagot ang mga NSA, POC sa ‘unliquidat­ed funds’

-

HINDI padalos-dalos na diskarte ang inihahanda ng Philippine Sports Commission (PSC), ngunit determinad­o ang sports agency na papanaguti­n ang mga National Sports Associatio­ns (NSAs) at Philippine Olympic Committee ( POC) sa kanilang mga pananaguta­n sa ‘ unliquidat­ed financial assistance’.

“Diplomasya po tayo. The NSAs and the POC are not enemies. They are partners in sports developmen­t. Kung ano po ang pagkukulan­g, kakausapin po natin at bibigyan ng sapat na panahon para ma-liquidate nila yung dapat sa PSC,” pahayag ng bagong talagang PSC Executive Director na si Atty. Sannah B. Frivaldo sa isinagawan­g media conference kahapon sa PSC building.

“Kung talagang hindi na nila ma- trace yung mga documents na kailangan nilang isubmit sa atin, kailangan pa rin nilang magbigay ng proper documents and papers na magpapatun­ay na talagang hindi na nila ma-trace yung mga resibo whatever evidence na kailangan para ma-proved yung claimed nila. Hindi puwedeng, back to zero lang, kailangan nilang managot dito,” ayon sa San Beda law graduate.

Iginiit naman ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na ibinigay na nila ang sapat na panahon at pagkakatao­n sa mga NSA at sa POC para ma-clear sa kanilang ‘unliquidat­ed expenses’.

“Kung hindi sila makapag- comply. Bahala na ang Commission on Audit (COA) to file necessary cases against them,” pahayag ni Ramirez

Batay sa huling report ng COA, may kabuuang P100 milyon ang unliquidat­ed expenses ng mga NSAs at POC.

Sinabi rin ni Ramirez na nakatuon ang ahensiya sa pagpapalak­as ng grassroots sports programa at inaasahang mas mapapaigti­ng nito ang programa sakaling maging institusyo­n ang Philippine Sports Institute (PSI).

Pinangunah­an ni PBA Partylist Congressma­n Mark Sambar ang pagpasa ng resolusyon sa Kongreso para maging institusyo­n ang PSI, habang may kaparehong Senate Bill si Senador Manny Pacquio para maisama sa pagamyenda ng PSC law ang PSI bilang ahensiya na nakatuon sa grassroots sports program.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines