Balita

‘Magnificen­t Six’, hahasain ng PSC

-

ANIM na natatangin­g Pinoy athletes, sa pangunguna ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang isasailali­m sa ispesyal na programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa tulong ng pribadong sektor para maihanda sa 2020 Tokyo Olympics.

Iginiit ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na malaki ang potensyal ni Diaz, gayundin nina Southeast Asian Games double-gold winner Trenten Anthony Beram sa athletics; Carlos Yulo at Kaitlin De Guzman sa gymnastics; at Kiyomi Watanabe at Mariya Takahashi sa judo, para makapagbig­ay ng gintong medalya sa Olympics.

“From this list, who knows. Baka dito natin makuha ang matagal na nating pangarap na gintong medalya sa Olympics. Posible pang madagdagan ang listahan, at ibibigay natin ang lahat ng kanilang pangangail­angan para mag- kwalipika sa 2020 Tokyo Games o maging sa Paris sa 2024,” sambit ni Ramirez.

Wala pang opisyal na detalye para sa naturang programa, ngunit sinabi ni PSC-Philippine Sports Institute training director Marc Velasco na katuwang ng pamahalaan ang Siklab Atleta Pilipinas Foundation, pinanganga­siwaan ni Presidenti­al Adviser on Sports at Phoenix Petroluem owner Dennis Uy.

Nauna rito, nagbigay din si Uy ng dagdag na cash incentives sa mga nagwagi ng medalya sa nakalipas na 29th Sea Games sa Kuala Lumpur. Tumanggap ang gold medalist ng P50,000, habang ang silver at bronze ay may P30,000 at P10,000, ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines