Balita

Bato binira sa ‘ingrato’ comment

‘BAKIT MO SISINGILIN ANG TAUMBAYAN?'

- Ni Ellson A. Quismorio

Galit na pinagsabih­an kahapon ng oposisyon congressma­n na si Magdalo Party- List Rep. Gary Alejano si Philippine National Police ( PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa makaraang tawagin ng huli na mga “ingrato” ang mga kritiko ng drug war.

“Alam n’yo walang utang ng loob ang taumbayan sa kanya. Trabaho niya ‘ yan. Bakit mo sisingilin ang lahat sa kanyang serbisyo?” mataas ang boses na sinabi ni Alejano sa lingguhang press conference ng “Magnificen­t Seven” sa Kamara. “Walang ingratong Pilipino dahil sila lahat ay nagmamay-ari ng gobyerno.”

Kabilang ang Magnificen­t Seven sa walang patid na bumabatiko­s sa drug war ng administra­syon.

“Ang lahat ng public officials ay nagsisilbi sa ordinaryon­g mamamayan,” dagdag pa ni Alejano. “Kaya nga ‘pag nandito ka sa gobyerno, thankless job ito. Damned if you do, damned if you don’t

“But at the end of the day, you perform your mandate. You’re not doing it para ikaw ay sumikat or sisingilin mo sila sa utang ng loob nila pagdating ng araw. Trabaho mo ‘yan,” sabi pa ni Alejano.

Giit naman ni Akbayan PartyList Rep. Tom Villarin, miyembro rin ng Magnificen­t Seven, dapat na managot si Dela Rosa sa 13,000 pagkamatay sa kampanya ng pulisya kontra droga.

Sa panayam ng media habang nag-iinspeksiy­on sa mga pasilidad sa Light Rail Transit (LRT)-Line 2 kahapon, muling kinontra ni dela Rosa ang mga bumabatiko­s sa drug war.

“Ako, prangka ako na tao. You can criticize us to high heavens, but I can tell you straight sa inyong mga mata, kayong mga critic, sabihan ko kayo, ingrato kayo,” sabi ni dela Rosa. “Alam ko nakikinaba­ng din kayo sa peace and order na idinulot sa atin ng war on drugs, peace and order na tinatamasa n’yo ngayon na naidulot ng aming war on drugs.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines