Balita

Gunman gumamit ng ‘bump-stock’ device sa pamamaril

-

LAS VEGAS ( AP, AFP, REUTERS) – Ang gunman na nagpaulan ng bala sa mga taong nagtitipon sa isang konsiyerto sa Las Vegas nitong Linggo ay mayroong dalawang “bumpstocks” na puwedeng gawing fully automatic ang semi-automatic firearms, sinabi ng mga opisyal.

Matagal na ng inirerekla­mo ni California Sen. Dianne Feinstein ang device namaaaring i-retrofit ang mga armas para maging fully automatic. “This replacemen­t shoulder stock turns a semi-automatic rifle into a weapon that can fire at a rate of 400 to 800 rounds per minute,’’ aniya.

Hinigpitan ang pagbili ng fully automatic weapons sa U.S. simula 1930s.

Ang Las Vegas shooter na si Stephen Paddock, 64 anyos, ay natuklasan­g mayroong 23 armas sa kanyang hotel room.

Pinatay ni Paddock ang 59 katao at mahigit 500 pa ang nasugatan sa isang country music festival malapit sa kanyang hotel. Pinasok ng mga pulis ang kanyang silid sa ika-32 palapag ng Mandalay Bay Hotel and Casino at natuklasan na nagpakamat­ay ito matapos isagawa ang pinakamadu­gong mass shooting sa modernong kasaysayan ng United States.

‘GUY WHO HAD MONEY’

Si Stephen Paddock ay nakatira sa isang marangyang Nevada retirement community. Isa siyang mayamang real-estate investor, na kamakailan ay ibinili ang kanyang 90-anyos na ina ng walker, at mahilig maglaro ng high-stakes video poker sa Las Vegas.

Wala sa kanyang background ang makapagpap­ahiwatig kung bakit niya ginawa ang krimen. Wala siyang criminal record na isagawa ang masaker. Lumalabas na detalyado ang pagplano ni Paddock sa pag-atake, kabilang ang pagdating niya sa hotel bitbit ang 10 suitcase.

“I can’t even make something up,” sabi ng kanyang nagulantan­g na kapatid na si Eric Paddock, sa mamamahaya­g nitong Lunes. “There’s just nothing.’’

Nagtatangh­al ang country music star na si Jason Aldean para sa mahigit 22,000 fans sa Route 91 Harvest Festival, nang pagbabaril­in sila ni Paddock mula sa ibabaw ng katapat na hotel.

Sinabi ni Aaron Rouse, ang FBI agent na in charge sa Las Vegas, na walang makitang koneksiyon sa internatio­nal terrorism ang mga imbestigad­or.

Wala ring senyales ng financial distress o criminal history, ngunit ayon sa maraming nakakakila­la kay Stephen, malakas siyang magsugal.

“No affiliatio­n, no religion, no politics. He never cared about any of that stuff,’’ diin ni Eric Paddock. “He was a guy who had money. He went on cruises and gambled.’’

‘LONE WOLF’

Hinalughog ng mga armadong pulis ang bahay ni Paddock nitong Lunes sa Mesquite, may 80 milya ang layo sa hilagang silangan ng Las Vegas malapit sa hangganan ng Arizona, para maghanap ng mga clue. Nakatira dito si Paddock kasama ang kanyang 62-anyos na kasintahan­g si Marilou Danley, na ayon sa mga awtoridad ay wala sa bansa nang mangyari ang pamamaril. Inilarawan ni Eric si Danley, iniulat na nagmula sa Pilipinas ngunit mayroong Australian passport, na mabait. Ayon sa mga ulat umuwi si Danley sa Pilipinas ilang araw bago ang insidente sa Las Vegas.

Nilinaw ng pulisya na magisang kumilos si Paddock. “Right now, we believe it’s a sole actor, a lone-wolf-type actor,” sabi ni Clark County Sheriff Joseph Lombardo.

“Marilou Danley is no longer being sought out as a person of interest,” pahayag ng Las Vegas Metropolit­an Police Department.

 ??  ?? Paddock
Paddock

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines