Balita

Nobel sa pagtuklas ng biological clock

-

NEW YORK (AP) – Tatlong Amerikano ang nanalo ng Nobel Prize nitong Lunes sa pagdiskubr­e ng pangunahin­g genetic “gears” ng 24-hour biological clock ng katawan, ang mechanism na mas kilalang nagdudulot ng jet lag kapag ito naiba.

Ang mga problema sa ating body clock ay iniugnay din sa mga sakit gaya ng problema sa pagtulog, depression, sakit sa puso, diabetes at obesity. Sinisikap ngayon ng mga mananaliks­ik na maghanap ng mga paraan para mahinang ang orasan sa loob ng katawan upang mapabuti ang kalusugan ng tao, ipinahayag ng Nobel committee sa Stockholm.

Iginawad nito ang $1.1 milyon (9M kronor) Nobel Prize in Physiology o Medicine kina Jeffrey C. Hall , 72 anyos, at Michael Rosbash, 73, na kapwa nagtatraba­ho sa Brandeis University sa Massachuse­tts, at kay Michael W. Young, 68, ng Rockefelle­r University sa New York.

Nakasaad sa Nobel citations na nagawa nilang makasilip “inside our biological clock” at madiskubre ang mga detalye ng inner workings. Ang obra, isinagawa sa fruit flies, ay nagsimula noon pang 1984.

Sinabi ni Rosbash, na nagtrabaho sila ng kanyang mga kasamahan para maunawaan ang “watch ... that keeps time in our brains.’’

“You recognize circadian rhythms by the fact that you get sleepy at 10 or 11 at night, you wake up automatica­lly at 7 in the morning, you have a dip in your alertness in the midday, maybe at 3 or 4 in the afternoon when you need a cup of coffee, so that is the clock,’’ paliwanag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines